42

3.8K 167 93
                                    

Ang hirap....




"Iyakin..."

Napaangat ako ng kilay ng madinig ang sinabi ni Cinco. Kakapasok ko lang sa klase at umupo ako agad sa tabi niya.

Ilang araw pa lang ang lumipas mayapos ang insidente sa bahay at nalaman kong hindi pala sila nakaalis agad ni Xantha sa bahay dahil ang mga walangya, nakatambay palang lahat sa labas ng pintuan ng aking kwarto, nakikinig sa pag uusap namin ni Chase.

Nang madinig nila kaming humahagulgol na dalawa ay wala silang pakundangang nagsipasukan.

Si Ulap at Lexo ay basta na lamang umupo sa kama ko samantalang si Ice ay dumirecho sa couch at dun din nahiga.

Ang iba sa kanila ay agad kaming dinaluhan.

Kuya Milan was silent. Nakatitig lang siya kay Chase pati si Kuya Aedree. Sila Matee, ate at Xantha ang humahagod sa likod ko.

Ang tagal naming kumalmang dalawa. Hindi ko lubos maisip na napakabigat pala ng dala dala niya. Na kinakaya niyang magtiis kahit nahihirapan na siya.

Sa nalaman, naisip ko na lang na napakalaki na talaga ng isinasakripisyo ni Chase para kay Grey. At natatakot ako, natatakot ako na bigla siyang sumabog.

Si Xantha at Cinco, naguguluhan man sa nangyari ay nanatili na din sa bahay hanggang sa kumalma na kaming dalawa.

Umuwi na lang silang lahat ng makatulog ako.

Nang gabing iyon ay panay ang message sa akin ni Chase. Hindi siya mapakali. Gusto niyang malaman kung okay kami at nangako siyang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat.

Siyempre, sa lahat ng hirap niya, mag iinarte pa ba ako. And I was glad dahil nang gabi na iyon ay nagset siya ng mga expectations. Kung sakali daw hindi niya ako pansinin sa school ay huwag akong mag isip ng hindi maganda. He told me he will find a way para magkaoras kami sa isa't isa. At ginagawa niya nga. Minsan ay nagigising na lang ako na katabi siya at nakayakap sakin.

Nakakatawa dahil ilang umaga na din siyang umuuwing mainit ang ulo dahil si ate, palagi siyang sinisipa pababa ng kama ko. Hindi naman niya magawang ilock ang pinto dahil baka isipin daw ng papa ko ay anong ginagawa namin. Medyo bad shot pa naman siya kay papa nung nakaraan.

Sa school naman ay iniiwasan kong tumambay. Umuuwi ako agad pagkatapos ng mga klase at dahil kakastart pa lang naman ng sem ay halos free time pa din sa school dahil ang daming late enrolees.

Tsaka, iniiwasan ko silang makita. Kahit alam kong masasaktan ako sa oras na makita ko silang magkasama, handa akong maghintay, para sa kanya,  at para sa aming dalawa.

"Inggit ka lang, may jowa ako. Ikaw broken hearted," binelatan ko pa siya na ikinaangat niya din ng kilay.

Nakakatawa talaga siya kapag naiinis. Lalong sumisimangot.

"Bastos talaga ng bibig mo. Pano ka natitiis si Chase e bwisit ka," bulong niya na muntik ko ng ikinatawa ng malakas.

"Wala kang pake," natatawa kong sagot bago ko kinuha ang isa kong notebook sa bag at isang ballpen.

"Marupok," bulong nito nad muntik ko nang ikinasamid.


"Tigang," ganti ko na nakapagpatigil sa kanya. Nilingon na naman niya ako at tinignan ng masama.

"Ang pangit mong kausap. Lumayo ka nga sakin," naiinis niyang turan ngunit hindi ko na lanh pinanansin. Gawain niya yan, ang itaboy ako palagi.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon