50

4.6K 177 71
                                    

Dedicated sa mga anak ko sa fb na napakagagaling gumawa ng eksena. Hahaha


-------
Maglalayas....

"You're back..." hindi ko napigilang maibulalas, ang tinig kong kontrolado ko naman sana ay walang pakundangan akong binigo dahil lasang lasa ko ang apit sa akin tinig.

She smiled at me amused. Naningkit ng bahagya ang mga mata ko ng mapansin ang lalong paghigpit ng kapit niya sa braso ni Chase.

And much to my dismay, Chase was doing anyting but avoiding my gaze. Eto na naman ba? Mauulit na naman kami sa umpisa?


"Yeah, I'm thinking about staying here for good. Lalo na at nandito din naman ang mga taong importante sa buhay ko," sagot niya. Nabasa ko ang aking pang ibabang labi. Hindi ko na alam kung paano ba ako dapat magreact.

Sobra na kase e. Nakakapagod.

Hindi ko alam kung anong sumanib sakin o kung masama ba yung naging gising ko kanina pero parang may kung anong gusto ng sumabog sa loob ko.

The past few weeks had been so hard. Ang dami ko ng luhang nailabas. Yung puso ko hinang hina na din.

Ayokong sa ganito matapos ang lahat. Sayang, sayang lahat ng pinaghirapan namin ni Chase, mga pinagsamahan namin.

Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata. Gusto ko, gusto kong makita kung hanggang sa huli, bibitaw ba talaga siya.


"Chase," I called for his name. Pagod na ko. Pagod na kong isipin ang ibang tao. Pagod na kong intindihin kung ano ang nararamdaman nila. Kase ako, durog na, mauubos na ko. Kapag si Chase, nawala pa sakin, baka kung saan na ko pulitin nila ate dahil wala ng matitira sa puso ko.

And I saw hom, he stared back. Kahit wala siyang sabihin, alam ko, nasakin ang puso niya. At hangga't kaya niyanh sabihing mahal niya ako, hindi ako bibitaw.

Hindi ko siya bibitawan. Napatingin ako sa gawi ni Cheska ng madinig ko siyang tumikhim.

Napabuntong hininga ako.

"Pati ba lalamunan mo makati?" hindi ko napigilang sita sa kanya. Despite my rage, I was calm. Kaya ko magpigil. Kaya ko pa pero yung kapit niya kay Chase, nagpapadilim na talaga sa paningin ko.


"Excuse me? Sinasabi mo bang makati ako?" parang naeeskandalo niyang turan. I heard Kuya Ice snicker. Nakaupo lang siya sa couch at parang naghahanda ng matulog. Sila Mattee hindi ko namalayang nakabalik na at umupo na din malapit kay Xantha although wala naman si Ulap at Lexo sa paligid. Pinaalis ni Mattee si Kuya Aedree na kung makatitig kay Xantha akala mo hindi siya nabayaran sa utang.

Napatingin ako ulit kay Cheska. I know it's probably not wise kung papatulan ko siya especially since she have mental issues but siguro, this time, mas maganda kung maintindihan niya kung ano amg dapat sa hindi.


"Sorry, kala ko kase nangangati kamay mo e. Grabe kase kapit sa boyfriend ko. Pwede ka ng bumitaw. Madami kaming upuan dito sa bahay, baka ngalay kang tumayo," sabi ko sa kany sabay turo sa mahabang couch na bakante pa nga.


Kahit hindi ako tumingin ay alam kong napalingon sakin sila Xantha. Tapos eto si kuya Ice, natawa pa. I saw how the corner of Chase's lips twitched.


Napansin ko naman na namula agad ang magkabilang pisngi ni Cheska, tila hindi inaasahang sasagot ako.

Napanguso siya, "You're so masungit e you're not that even beautiful," bulong niya na ikinaangat ko ng kilay.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon