Puyat...
"Hoy tomboy!" napapitlag ako ng maramdaman ang marahang paghampas ng kung sino sa lamesa ng upuan sa harap.
Muntik na kong nagmura. Nakayukyok kase ko sa lamesa at nakapikit. Antok na antok ako.
Yung walangyang Chase na yun. Pinaligo ako at pinilit na lumabas para ilibre ko siya ng icecream. Kinokonsensya pa ko na sila Ulap daw ang kumain nung binili ko dati. Kasalanan naman niya yun ah. Sino ba kase ang may sabi na ibigay niya yung binili kong icecream dati sa kanila?
Tapos nagtaxi lang kami papunta sa mall. Yung baon na hindi ko nagalaw simula ng pumasok ako sa school, naubos yata ng isang galaan dahil sa kanya. Aba magaling din.
Napakadami niya pang gusto. Ginawa pa yata akong sugarmommy ng hayop.
"Oliveros!"
Napaigting ang aking panga sa lakas ng boses ng babaeng parrot.
Ano na naman kaya ang problema nitong babae na to?
Iminulat ko ang aking mga mata at umayos ng upo. Nagawa ko pang punasan ang gilid ng aking pisngi. Dyahe, baka may laway. Nakaidlip pa naman ako saglit.
Martes na at naisipan ko na ding pumasok. Wala naman na din akong sakit. Feeling ko nakatulong din yung pinagpawisan ako sa pang aalila ng lalaki na yun.
"Bakit?" sambakul ang mukha kong turan. Muntik na kong mapangiwi sa ikli ng suot niya. Denim skirt paired with a crop top na alanganin ang haba. Okay naman sana kaya lang kulay yellow tapos ang heels kulay pink. May suot pa siyang chocker na kulay red. Color blind ba tong babae na to?
"Bakit kayo magkasama ni Chase kahapon sa mall? Huwag mong itatangi dahil may nakakita sa inyo! Nakakainis ka!"
Napakunot noo ako sa sinabi niya. May nakakita pala samin. Nakakatakot pa naman kapag nadidikit ang pangalan mo sa mga Puntavega. Ang dami mo agad haters.
"May utang lang ako sa kanya," sagot ko. Ang maganda dito sa babaeng parrot na to, hindi siya yung tipo na nananakit katulad ng ibang mga maldita.
"Bakit kumakalat dito na babae ka daw niya? Sabi daw ni Ulap!" nagpapadyak pa siya kaya napatingin tuloy samin yung iba naming mga kaklase.
"Totoo..."
"Ay kabayo!"
Nagtayuan yata ang buhok sa batok ko ng biglang may nagsalita.
Yung babaeng maligno.
"Kanina ka pa dyan?" galit na tanong ni Jessa sa kanya. Nakaupo lang si Lantis sa dati upuan dapat ni Chase.
Napalunok ako.
Ang misteryoso talaga ng babaeng to. Pero ngayon ko lang siya ulit nakita.
"Huwag mo siyang awayin. Magagalit sayo si Keso,"
Napaungol ako sa sinabi niya. Leche talaga tong babae na to e. Ipapahamak pa ko.
Ang sama ng naging tingin sakin ni Jessa.
"Sinasabi ko na nga ba!" lalapitan na sana niya ako pero pareho kaming nagulat ng may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Napalunok ako. Bagong kulay ang kanyang buhok. Medyo silver. Bakit nag bilis naman yata? Magkasama lang kami kahapon ah.
Napahinga ako ng malalim.