38

3.8K 208 94
                                    

Lungkot....

"Andrea..."

"Pa..." agad kong sagot. Nagdidinner kami ngayon at tulad ng dati ay tahimik lang sa hapag kainan.

Hindi naman kase palakibo si Papa. Madalas ay si Tita Monica ang biglang nag iinitiate ng mga kwentuhan.

Kaya nakakapagtaka na bigla niya akong tinawag.

"How's your relationship with Chase?" nagulat ako sa kanyang tanong. I reached out for my glass of water at agad uminom.

May alam ba siya?

Mabuti na lamang at sinalo ako ni ate.

"What's with the sudden question pa? You don't normally meddle with our relationship," kalmado niyang sagot. Minsana ay naoingit ako sa katangian niyang iyan. Sobra siyang kampante. Lumalabas lang ang iba niyang ugali kapag mga Puntavega ang kasama namin.

Our father ate another spoonful. Dahan dahan niyang nginuya ang kanyang pagkain at lalo lamang akong kinabahan.

"I noticed na namamaga palagi ang mata ng kapatid mo. Hindi ako bulag Elise. Kung hindi na maganda ang relasyon nila ni Chase, let them break up. It's simple as that," cool lang na sabi ni papa na parang ganon kadali lamang ang lahat.

Pati si Tita Monica ay huminto na sa pagkain.

"Hon, let the kids handle their own relationship. Stop pressuring them. Kaya nilang ihandle ang mga heartache na ganyan. Besides, it's not like Chase would do something bad to her, right Andrea?" humarap si tita sa akin at napangiti na lang ako ng tipid.

Sa sobrang lakas at bilis ng pintig ng puso ko, pakiramdam ko pati tengga ni ate sasabog na. Magheadset na lang kaya siya?

"Fine. But what I said still stands. If I find out Chase did something terribke to you, he won't see you again. Kung kailangang ipatapon kita sa Amerika, I will,"

Natahimik kaming lahat at pilit itinuloy ang pagkain.

Sa ilang buwan kong pananagili dito ay nakilala ko na din ang ugali ng aking ama. He's a man of few words pero kapag sinabi niya, gagawin niya.

Puta, Amerika? Hindi ko keri mag English.


Pagkatapos ng hapunan ay pumasok na din sa kwarto nila si papa at tita. Nagpaiwan ako sa sala hawak ang sketch pad ko pero wala naman akong maiguhit.

I'm out of inspiration.

"Don't mind what Papa told you," napalingon ako ng madinig ko ang boses ng aking kapatid. Umupo siya sa couch at pinindot ang remote para buksan ang tv.

"Alin doon? Yung hiwalayan ko si Chase o yung ipapatapon niya ako sa Amerika?" mapait kong sagot. Kahit alin sa dalawa, talo ako. "Besides, hindi ko na kailangang gawin yung una, wala naman na din e."

"Huwag kang pakasiguro Andrea. Kababata ko si Chase. Alam ko ang likaw ng bituka nun. He won't stand still," sagot niya. Ang atensyon ay nasa pinapanood.

Natawa ako ng pagak.

"Para saan? Nag usap na kami kanina. Kung ano ano pa nga ang sinabi niya sakin. Dun na lang siya sa Cheska niya," bulong ko na ikinalingon niya.

"Selos ka lang. What's with you and that Cinco anyways? Pati si Aedree at Xantha muntik ng mag away kanina," takang tanong niya.

Nagkibit naman ako ng balikat. Wala naman akong maisagot sa kanya.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon