Ang tigas....
"Aray! Lintik ka Ulap, masakit!"
Napangiwi ako ng madinig ang malakas na sigaw ni Julio habang dagan dagan siya si Ulap.
"Julio punyeta, masisira yung tent! Umalis nga kayo ni Ulap dito! May mapapatay talaga ko ngayon e,"
Napalingon ako kay Mattee nang madinig ko siyang tumawa. Hawak hawak niya ang kanyang camera habang panay ang kuha ng larawan sa mga lalaki.
"Do you think it's a good idea to let Ice, Julio and Ulap build their tent?" bulong sakin ni Xantha habang inaayos namin ang mga gamit na aming dala sa lamesa. Nasa loob kami ng isang cottage at mula dito ay kitang kita namin kung paano magkagulo ang magpipinsan.
Si Chase ay tinutulungan si Grey habang si Aedree naman ay katulong ang kapatid na si Lexo. Lahat sila ay binubuo ang mga baon naming tent.
Sa di kalayuan naman ay kitang kita namin si ate na busy sa pamumulot ng kung ano sa dalampasigan. Asa likod niya lang si Milan na hawak hawak ang mga gamit ng kapatid ko.
"No. Pero baka mas magulo kapag si Ulap at Lexo ang gumawa ng tent," sagot ko sa kanya.
Sembreak kaya naisipan namin na magbakasyon sa private beach resort na pag aari ng mga Puntavega.
Closed property ito at tanging ang magpipinsan lang ang gumagamit. Minsan ay dito din dinadala ng kanilang mga magulang ang mga bisita nila sa negosyo at kung anu-ano pa.
Nabaling ang tingin ko kay Xantha na inilalabas lahat ng laman ng mga plastic sa ibabaw ng lamesa.
"So..." panimula ko. Panay ang aking sulyap sa gawi niya. Hindi kase ako makapaniwala na kasama namin siya ngayon. Never kong naimagine na makakatagal di Xantha kasama ang mga Puntavega dahil napaka-allergic niya sa mga ito.
Apat na oras ang aming naging byahe sakay ng dalawang van. Magkakasama kami sa iisang van ni Grey, Julio, Chase, Milan at si Ate habang sa kabila naman ang iba. Si Milan at Aedree ang nagmamaneho.
Tanghali na kami umalis at dahil hindi naman talaga ako nakatulog bago bumyahe ay plakda agaf ako sa sasakyan habang katabi si Chase. Wala na akong pakialam kung natuluan ko ba siya ng laway.
Sa bahay kase natulog yung magkakapatid. Takot na takot maiwan. Minsan na daw kaseng tinopak ang ate ko at iniwan sila.
Ang mga loko, magdamag nagkampo sa loob ng game room ni Ate. At sa tuwing lumalayas ako pabalik sa kwarto ko ay sinusundo naman ako ulit ni Chase. Madaling araw na sila natapos kaya tinanghali na tuloy kami ng gising.
Ang daming mura ang inabot namin kay Ice dahil doon. Ang init init na daw bumyahe.
Dumiretso na lang kami pabalik sa bahay nila para kuhanin ang mga gamit at sunduin si Grey at Julio bago kami nagtungo sa resort.
Nagising na lang ako nang huminto na makarating na kami. Hapon na kaya nagsimula na din silang magtayo ng mga tent. May apat bahay naman talagang nakatayo sa resort, pag aari ng kani kanilang pamilya pero mas gusto nilang matulog sa tent.
Pero hindi ako sigurado kung maganda bang ideya iyon dahil wala pa kaming thirty minutes dito ay parang masisira na yata yung mga tent na itinatayo ng mga loko.
At dahil nga sa tulog ako buong byahe ay hindi ko man lang namalayan na dinaanan pala nila Aedree si Xantha sa kanila.
"Tigilan mo yang pagtaas taas mo sakin ng kilay Andeng. Napilitan lang akong sumama dito," pagsusungit niya.