Jabee....
"You know we're dead kapag nahuli tayo ng mga yan, diba?" nadinig kong turan ni Chase. Ako naman walang paki. Basta hawak ko yung dala kong telescope. O telescope ba tawag dito o binoculars? Kinuha ko lang to sa mga gamit ni Lexo e.
Iiyak yun kapag nalaman niya na nadekwat ko gamit niya
"Huwag kang maingay nakita ko na nga sila e. Sabi ko na may nililihim talaga yang si Xantha. Pero hindi naman si Kuya Aedree yung kasama niya ah!" nagmumuryot kong turan. Palagi kaseng nawawala tong si Xantha lately pati si Kuya Aedree at kating kati talaga akong malaman kung nasaan to palagi.
Grabe kase, hindi na ko sinasamahan ni Xantha pag vacant ko.
So ayun nga, hinatak ko tong si Keso na sundan si Xantha kanina nung nagpaalam siya. Buti na lang talaga naabutan ko. Hindi naman siya nag eexercise pero ang bilis bilis niya, parang excited.
Napasigaw ako ng biglang lumingon si Xantha. Thank God Chase was quick enough to turn my body kay nakaharap na ako sa kanya samantalang siya ay agad na yumuko dahilan upang magkalapit ang aming mukha.
"By, tago tayo dali!" turan ko. Buti na lang madaming tao dito sa park. Grabe, ang lalandi. Sa park nagdedate. "Tago na tayo kase baka sipain tayo ni Xantha. Ang bayolente pa naman noon these days," bulong ko at napakapit pa ang dalawa kong kamay sa tshirt niya.
These kind of closeness, me being so clingy to him, naging normal na yata samin to. After all, sa dami ng pinagdaanan namin, ultimo mga magulang namin ay nakapag usap na. Though nakakatakot tlga nung nag usap si Papa tsaka yung papa ni Chase. Napakaseryoso ni Papa kinabahan ako.
Si Chase kase, naabutan ni Papa na natutulog sa kama ko habang naliligo ako. E sinusundo niya lang naman ako. Tapos the night before is umiiyak si ate kaya siguro nag hulk mode to si Papa. Yung parents tuloy ni Chase napauwi agad.
Nakakatakot, akala mo naman ikakasal kame. Hindi nga namin nadinig kung ano ang pinagusapan nila kase si Chase lang ang tinawag. Tapos to ayaw naman sabihin sakin kung ano yung pinagusapan, napakadaya.
Yung mama naman nila Ulap super sweet. Niyaya niya kami ni Ate magshopping. Ang ganda ganda ng ngiti niya kaya kahit ayaw ko naman talagang nagsashopping, hindi talaga ako nakatanggi. Ang dami dami niyang binili. Kung ano ano angnpinasulat niya samin ni ate pero nag enjoy ako talaga.
I felt him brush my hair to the side of my cheeks kaya napaangat ang aking tingin sa kanya.
"Hayaan mo na sila Andrea. Date na lang tayo. I miss you..." bulong niya habang titig na titig sa akin. Agad namang namula ang aking pisngi. Nahampas ko tuloy siya sa kanyang dibdib.
"Ang landi landi mo," nakapout kong turan, ang aking mga mata ay iniiwasan na naman siya. Ganito palagi, kahit sobrang tagal na naming magkasintahan ay paeang napakadali lang sa kanyang oabilisin ang tibok ng puso ko.
Palagi na nga kaming namumura ni Ate sa school. Eto kaseng si Chase, napakahilig mag backhug. Wala ng pinipiling lugar.
"Sayo lang naman ako malandi, tsaka gusto mo naman di ba," sagot niya na halatang nag iinis na naman.
"Ewan ko sayo. Hanapin ko na lang si Bobbie. Baka nalagas na yung buhok noon dahil kay Ulap," nagtangka akong kumawala sa pagkakayapos niya sa aking baywang pero ang loko, hindi ako binitawan.
Napaangat ako agad ng tingin at agad nagtama ang aming mga mata.
"Hayaan mo na yung kambal ko at si Bobbie. Ako naman ang asikasuhin mo. Malapit na kong magselos ha," nakanguso niyang turan. Napangiti naman ako agad lalo ng maalala si Bobbie at Ulap. Ang cute kase nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/174154286-288-k590363.jpg)