Sakit...
"Are you sure you have everything? Bakit ba tumanggi ka pa nung nagsabi si Mom na bibilhan ka din ng supplies. Puro luma tuloy ang gamit mo," seryosong sita sa akin ni ate. She was waiting for me on the couch int he living room. Tapos na ang sembreak at kahit na anong pilit ko na mag stay kay mama ay hindi siya pumayag. Itatakwil niya daw ako kapag hindi ako umlalis. Feeling ko talaga may tinatago din yung nanay ko na yun e.
May boyfriend kaya siya?
Bigla akong kinilabutan sa naisip. Hindi naman imposible pero para kaseng hindi ako masasanay agad kapag nagkatotoo
"Okay pa naman ang mga gamit ko," sagot habang naglalakad papalapit kay ate.
Surprisingly, palagi niya akong kinakausap simula kagabi na umuwi ako. Kahit pa nga medyo seryoso, nakakagulat na siya pa ang kusang nag iinitiate ng conversation sa aming dalawa. Parang naiinis pa nga siya ng hindi ako nabilhan ng gamit kahit okay lang naman talaga sakin.
"Yang bag mo, last sem mo pa gamit yan. Baka isipin ng mga tao hindi ka binibilhan nila mama ng gamit," napansin ko la ang biglaang pag iwas niya ng tingin ngunit hindi din nakaligtas sa akin ang huli niyang sinabi, "Baka pati si tita kung ano ang isipin,"
Concern ba siya sa iisipin ng aking ina? Bakit? Tsaka kinakabahan ba siya?
Nagkibit ako ng balikat. She's acting so weird.
Sinuklay ko ang aking buhok at napansin ko na napatingin din siya sakin.Tinanghali kase ako ng gising kaya nagkukumahog ako. E padating na din naman ang isa sa mga Puntavega para sunduin kami. Si Keso kaya?
Yung cellphone ko kase lobat. Hindi ko na naicharge kagabi dahil itong si Chase, ayaw paawat kakatawag. Wala naman kami talagang pinag usapan at nag iinuman din lang naman sila ng pinsan niya pero tawag siya ng tawag. Kuntento na din ako na pinakikingan sila habang nakaheadset while I use my laptop.
Naalala ko pa nung natawa ako ng malakas kagabi. Nadinig ko kase si Aedree na sumisigaw. Si Lantis kase, binuhusan yata sila ng tubig na may yelo. Sa garden sa likod sila umiinom at sa badang likod ang veranda ng kwarto ni Grey. Tinopak na naman siguro kaya kung ano na lang ang naisipan.
"Ang gulo ng buhok mo. Come here..." nadinig kong turan ni ate na nakapagpatigil sakin saglit.
What's with her?
Nang hindi ako sumunod ay tumayo siya at hinatak ako sa braso bago ako pinaupo sa tabi niya.
I was facing the other side and it felt so weird when her hands skillfully started fixing my hair. Kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko na may ginagawa siyang hiwaga sa buhok ko like she was braiding me.
Pakiramdam ko ay parang hinahalukay ang aking tiyan sa kaba. Ano bang nangyayari?
"Okay ka lang ba? May problema ka?" hindi ko napigilang itanong na ikinatawa niya. Nalaglag ang aking panga sa kanyang naging reaksyon.
"Hala siya..." bulong ko. My lips were parted. Tumatawa si Dee. Tinatawanan ako ni ate Dakota.
Napalingon ako agad sa kanya sa gulat pero ang walangya, napakasadista din talaga. Bigla akong sinapok.
"Hindi pa tapos. Ang tigas na din ng ulo mo e. Parang nakakasama sayo si Keso ah. Sumbong ko nga kayo kay papa. May eyebags ka pa dyan ha,"
Namula ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Hindi ako sanay na ganito siya makitungo sa akin.
"There, it's done," she mumbled. Pag lingon ko, I saw how satisfied she looked.
