Chase's Memories...
"I want that, a cute flower pendant. Give that to me and I will behave," nadinig kong turan ni Lantis.
Bakit ba kase dito kami binaba ni kuya Milan sa store malapit sa school. Dapat hindi na lang siya pumayag sa kapritso neto ni Lantis na may bibilhin daw e alam ko namang gusto lang nitong tumakas.
Akala mo naman matitiis mo din. Bulong ng konsensya ko.
It's our first day at school and I know why she's acting weird. Ayaw niya nang madaming tao.
Napabuntong hininga ako. Kanina pa siya palibot libot kung ano ano ang tinitignan. And all I did was stand on the corner while I wait for her. Pero siyempre sinusundan ko pa din siya ng tingin dahil baka mamaya mawala na naman tong babaeng to. Mahirap na. Ang tagal niyang wala sa Pilipinas. Iba si Lantis noon at iba siya ngayon.
Isa pa, ayokong magpa ikot ikot sa lugar. Ang daming babae sa paligid. And I'm not like Kuya Julio or Kuya Milan na lahat yata papansinin.
And then this girl came back, asking me to buy something.
"Fine, stay here and I'll buy it for you. And then we'll head to class,"
Naglakad na ako patungo sa lugar kung nasaan siya kanina pero bago pa ako makarating ay may isang babae nang dumating. Napataas ng kaunti ang aking kilay. Sa dinami rami ng estudyanteng nasulyapan ko ngayong araw na to, siya pa lang yata ang nakita kong nakasuot ng normal na damit, yung komportable at hindi pang maarte. She is wearing a plain white shirt with the front tucked inside her black pants. Nakarubber shoes lang din siya hindi tulad ng mga nahagip ng tingin ko kanina na kulang na lang ay tumayo sa bangko sa sobrang taas ng takong.
I'm not sure why but I started walking towards her, stopping a few steps just beside her kaya kitang kita ko amg ekspresyon ng kanyang mukha.
Ang mahaba niyang buhok ay parang sumasayaw kasabay ng hangin. Napalunok ako, pabango niya ba yung naaamoy ko?
Strawberry....
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang pigura ng kanyang mukha, pero ang pinaka nakahatak ng aking atensyon ay ang kanyang mga mata.
Her face, it's naturally beautiful, walang kolorete pero tipong, tititigan mo ng paulit ulit, hindi nakakasawa.
And then something happened, she smiled after picking up a pendant, a crescent moon.
Parang bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
Tangina Chase, nababakla ka na yata.
I watched as she skipped her way to the cashier to pay for the necklace with the moon pendant.
Ganoon lang yung binili niya pero parang sobrang saya saya niya.
I was watching her from a far when I suddenly felt a hand on my shoulder. Sa sobrang gulat ko ay muntik pa akong mapamura.
Nakalimutan ko si Lantis.
"I'm buying it," sagot ko na ni hindi siya nilingon. I stared at the necklaces before me and spotted the same pendant the girl earlier took. Without second thoughts, I took it and made my way to the counter.
Habang nagbabayad ako ay nadinig kong bumulong si Lantis. "I said flower, not a moon," bulong niya na hindi ko na pinansin. Nang makuha ko ang resibo ay inabot ko sa kanya yung kwintas at naglakad na kami papunta sa school....
Inip na inip ako ng pumasok na sa klase. Si Lantis nasa likuran ko lang.
I'm back at school. Last year ay umalis kami ulit at bumalik ng Amerika kaya naputol ang pag aaral ko dito. Sana naman ngayon tuloy tuloy na.