35

3.7K 176 81
                                    

Wala na...


Byernes, wala akong klase kaya nananahimik ako dito ngayon sa kwarto. Tamad na tamad akong bumangon mula sa kama kaya nagpaikot ikot na lang ako. Medyo malaki naman to. Tsaka tanghali na din ako nagising dahil hindi ako dinadalaw ng antok.

Laman pa din ng isip ko si Chase. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung ano ba talaga ang nangyari. San ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang?

Wala kase akong matandaan na kahit anong pinag awayan namin. At kahit na mayroon pa ay hindi naman yata tama na basta na lang niya ako iniiwan.

Nahatak kong muli ang aking kumot paitaas at tinakpan ang aking mukha. Nararamdaman ko na naman kase. Iiyak na naman ako. Walang wala yung sakit ng maga kong daliri sa sakit ng puso ko. Yung sa daliri, pagkatapos lagyan ng gamot at balutan, okay na, e eto, wala. Pakiramdam ko lahat lahat sa akin apektado.

Kase ang sakit sakit sakit naman talaga. Yung dibdib ko pakiramdam ko kinukurot ng napakaraming langgam. Kalat na kalat ang sakit. Yung kahit saan na lang ako mapatingin ang bigat bigat talaga at bigla na lang akong maiiyak? Magang maga na nga yong mata ko.


Nung una pa lang sinabi ko na sa sarili ko na malabo pa sa tubig kanal na maging totoo kami. Pinilit ko naman e. Sinubukan kong pigilan, na kahit ano na lang pinapalampas ko.

Pero bakit kase ganoon? Pinaasa niya ko e. Hulog na hulog na ko sa kanya. Bakit kase hindi? Araw araw niya kong sinusuyo. Sinusundo niya ko. Kahit kailan hindi niya pinaramdam sakin na may iba, dahil sabi niya, sabi niya mahal niya ko.


Tanginang pagmamahal yan.

Ang sakit kase e. Ang sakit sakit talaga.

Ganito pala ang pakiramdam ng maiwan. First relationship ko to. First heartbreak na din.

Sa lumipas na mga araw, hindi na din ako umaasa na maayos pa, kase kung may balak siya, nung unang araw pa lang sana.


Napahikbi ako.


Magiging okay din naman ako, pero siguro iiiyak ko na lang din muna to lahat para pag pasok ko baka sakaling mabawasan ang sakit.

Nagulat ako ng biglang pumihit pabukas ang pinto at lumitaw ang seryosong mukha ni Mattee. Ang walangya, hindi man lang kumakatok.

"Ewww, you're really just in here like what your ate said. Hindi ka pa naliligo no?"


Naitakip ko ang kumot lalo sa aking mukha ng unti unti siyang lumapit sa akin. She's wearing a loose black shirt na may tatak na Harley Queen sa harap. Hindi ko nga alam kung nay salawal na suot tong babae na to.

"Bumangon ka dyan Chaese Andrea. Pinapasundo ka ng kapatid mo. May bagong bukas na unicorn cafe malapit sa school. Gusto ko pumunta dun tatambay ako sa school niyo," pagbubunganga niya.


"Kayo na lang. Inaantok pa ako," sagot ko pero siyempre, kelan ba kami nakahindi kay Mattee. Naglulundag na naman siys sa kama ko hanggang sa wala na akong nagawa at bumangon. Intinulak niya pa ako papasok sa banyo. Siya na daw ang bahalang maghanap ng susuotin ko. Ayaw ko sana dahil siguradong pagsusuutin lang ako neto ng mga maiiksing damit.


Sobrang bagal ng naging pagligo ko. Inalis ko pa kase ang balot sa daliri ko tapos pinalitan din matapos kong linisin.

Paglabas ko ay napaangat ang aking kilay ng mapansin na isang pares lang ng puting shorts at cream na shirt ang inilabas niya, taliwas sa una kong naisip.


"I want you to fee l comfortable Andrea," sagot niya lang. At tulad ng ginawa ni ate nung nakaraan, dinry ni Mattee ang buhok ko bago initinirintas.

Pakiramdam ko tuloy may dalawa akong ate.

"Chaese...." tawag niya na nakapagpaangat ng aking tingin  kung kayat nagtama ang aming mga mata sa salamin.

I can sense it. May gusto siyang sabihin. Alam ko naman na naaawa din sila sakin. Nitong mga nakaraang araw ay may palaging nakabuntot sa akin n kahit na sino sa mga Puntavega.

Utos daw ni ate kase baka daw mabully na naman ako. Pero I doubt. Simula kase na kumalat na magkapatid kami ay ang dami na ding bumabati sa akin. Pati si Xantha ay nagsimula ng maalibadbaran dahil minsan ay pati siya ay binabati ng mga tao.  Ayaw na ayaw pa naman nun ng napapansin siya. Idagdag pa na madalas parang tuko kung makasunod si Aedree. Binubwisit si Xantha. Hindi ko din alam kung bakit.


I smiled at her sincerely.

Kung anuman ang nangyayari samin ni Chase, labas naman sila doon. I know it's not their fault.

"Okay lang ako Mattee," bulong ko at nagbaba ng tingin.

Nadinig ko siyang bumuntong hininga.

"You're not. Pero hindi ko sasabihin na hindi tama na maging okay ka. Kase yun naman ang gusto namin. I know you're hurt. Pero kilala mo naman si Keso di ba? Alam mo naman na mahal ka niya..." paliwanag niya na nakapagpayuko sakin.

Alam ko nga ba?


Pakiramdam ko ay mayroon na namang humahalukay sa tiyan ko at nagsisimula na namang mamasa ang gilid ng aking mga mata.

Kung dati siguro to baka oo ang isagot ko. Sasabihin ko na kilala ko talaga si Chase. Pero simula ng dumating si Cheska, feeling ko hindi ako nag exist man lang sa buhay niya. Kase kung mahal niya talaga ako bakit niya ako natiis?

"Hindi ko na alam..." garalgal ang aking boses at pumiyok na din. Ang luhabg kanina ko pa pinipigilan ay unti unti na ding naglandas sa aking pisngi.



Hindi ko na naitago kay Mattee ang sakit na nararamdaman. Kung nung nakaraan ay intinatago ko pa ang nararamdaman, ngayon ay hindi ko na napigilan.

Sasabog na ko.


"Andrea..." bulong niya at niyakap ako. Umiyak ako sa balikat niya. Umiyak ako ng malakas. Ang sakit na iniinda ay sumabaw sa aking palahaw.

Umiyak lang ako ng umiyak.  Ang sakit sakit talaga. Parang dinudurog ang puso ko. Pero kahit ganun, gusto ko pa din siyang makita. Gusto ko pa ding makita si Chase. Gusto ko pa din sabihin na okay lang sa akin basta masaya siya.

Kahit pa hindi na ako ang kasama niya. Kahit pa wala ng kami. Kahit pa hindi na ako ang mahal niya.

Okay lang kahit wala na.

Those thoughts made me bawl my eyes even more. Kahit hanggang ngayon na lang, iiyak ako at sisigaw sa sakit.

Bukas, ngingiti ulit ako. Para sa kanya. Para maging okay ang lahat.

Kahit wala na.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon