Ginalit....
"Chaese, sorry na... Hindi naman ganon yun e. Natapilok siya, sinalo ko lang," nadinig kong paliwanag niya habang sinusundan ako.
Naglalakad na ko ulit papunta sa bahay bitbit ang mga hugasin.
Katatapos lang naming kumain at simula kanina ay walang ginawa si Chase kung hindi magpaliwanag sa kung ano ang nakita ko.
"Chaese naman e... Pansinin mo naman ako. Magtatantrums ako dito, sige ka!"
Napahinga ako ng malalim bago siya muling hinarap. Huminto kami pareho at kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Okay nga lang sabi ko diba?" isang ngiti ang kumawala sa aking labi.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o mapipikon. Sa totoo lang, medyo nasaktan ako kanina. Ang makita siyang may kasamang babae ay naghatid ng kirot sa aking puso. Lalo pa ang makita na nakapaikot ang kanyang kamay sa baywang nito.
Bigla akong napaisip kung tama ba na ikulong ko siya sa isang relasyon gayong alam kong may ibang tao pang darating para sa kanya.
Oo. Hindi ako naniniwala na kami hanggang dulo. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na magtatagal kami. Para sa akin, ang isang bagay na mabilis kong nakuha ay mabilis ring mawawala.
At si Chase, hindi ako sigurado kung ang relasyon namin ngayon ay bunga ng pagkagusto namin sa isa't isa. Kase, kung hindi ba sinabi ni Lantis noon na babae ako ni Chase, kami kaya ngayon?
Pakiramdam ko kasi, ipinilit lang na maging kami.
Hindi naging kami dahil ginusto namin. Parang naging kami na lang. Alam kong sinabi niya sakin dati na gusto niya nga ako pero kahit ganun, hindi ko maiwasang pagdudahan ang nararamdaman niya.
I don't have a doubt about Chase's intention. Alam kong hindi niya ko sasaktan. Sa ilang buwan ko siyang nakilala, alam ko na hindi siya marunong manakit ng tao, mapapisikal man o emosyonal. Kung may masaktan man ay hindi niya yung ginusto o intensyon.
But I don't trust what he feels for me.
Kase, ano ba naman, ako lang to. Si Chaese lang ako. Samantalang siya, isang Puntavega. Nararapat ba akong maging karamay ng isang kagaya niya?
When he released her and run towards me the moment our eyes locked, madaming pumasok sa isipan ko.
Do I deserve him?
Tama ba talaga tong nangyayari samin?
Tama pa ba na angkinin ko ang isang Chase Puntavega? Because I feel like he deserves so much better. He deserves someone that isn't me.
So when he go around in panic, asking for my forgiveness, sinabi ko na okay lang.
Kase dapat naman okay lang sakin. Bakit kailangan kong magalit kung sa huli naman ay maghihiwalay lang kami? I just want to prepare myself for it.
Sinundan ng aking mga mata ang bawat kilos niya. Ang pagsara ng kanyang mga mata na halata mong inis na inis...ang pagkagat niya ng pang ibaba niyang labi... Ang pagkakagusot ng kanyang noo nunga ng pagkakakunot nito... Lahat... Lahat may epekto sakin.
Bumuntong hininga siya at hinintay ko kung ano ba talagang gusto niyang sabihin. Sinabi ko naman na okay lang.
Okay na.
"Yun nga Andrea, okay lang sayo. Bakit? Ni hindi ka man lang nagselos? " naguguluhan niyang tanong. Parang bigla akong nahirapan na makita siyang nahihirapan. Nasasaktan ba siya?
Pero bakit?
"Nagsorry ka na diba? Sabi mo wala naman. So bakit ko ba kailangang magalit?" sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay gusto kong sabihin ang marami pang bagay. Ayaw ko lang na mag away pa kami. Ang awkward na nga ng bakasyon nato dahil saming magkapatid, lalo na kung pati kami ni Chase mag aaway.
"I trust you," medyo nag alangan akong sabihin at napansin ko ang pag galaw ng kanyang mga labi. Parang may gusto siyang sabihin pero nagdalawang isip siya.
Bakit ba masyado siyang concern sa iniisip ko? Natatakot ba siyang magalit si Ate sa kanya? O sila papa kapag inakala nilang niloloko niya ako?
"Look," umpisa ko. I tried to balance the plates on my hands and he must have noticed because he reached forward and grab them them, at hindi na ko nakatangi. Kanina pa talaga niya yun kinukuha sakin e. "Okay lang talaga Chase. You don't have to keep apologizing about it. It's nothing to me," dagdag ko.
I saw how the glint on his eyes changed. Hurt? Disappointment? Hindi ko sigurado. But I'm sure it's not a positive emotion. Bahagya akong kinabahan.
Napalingon kaming dalawa ng may madinig kaming sumipol. Si Milan, kinakawayan kami.
"Hoy kayong dalawa, dito kayo sa liwanag magharutan at dalhin niyo na yang mga plato dito. Nanggigigil na sa inyo si Dakota. Baka hindi pa maghugas ng plato to," nadinig kong sigaw niya.
Magulo ang kanyang buhok na akala mo may sumabunot. Sana hindi si Lantis. Malakas din kase ang topak ng isang yun. Minsan parang si Ice umasta, minsan naman parang si Aedree.
"Yan, napakalandi kase. Hirap ng may LQ no?!-aray puta naman ha!" napangiwi ako ng magmura si Ulap. Sinapok kase siya ng kuya niya.
"Gago ka, minumura mo ko?"
Agad namutla ang kakambal ni Chase. Nakakatakot din kase si Milan kapag seryoso.
"Kuya naman akala ko lang si Lexo. Ikaw naman, mahal kaya kita. Lika nga dito kuya, kiss kita, dali!"
"Layo, layo!" tulak niya sa mukha ni Ulap na nakaextend pa ang kamay pati ang nguso. "Lumayo kang kadiri ka. Wala ka ngang baong toothbrush na abnormal ka. Layuan mo ko, hindi ka titigil?"
Nagpapadyak naman ang huli bago tumalikod.
"May baon akong toothbrush. May baon nga din akong lamok. Bayaan mo, papabisitahin ko sa tent mo mamaya," bubulong bulong nitong turan.
"Abnormal talaga," nadinig kong bulong ni Chase kaya napalingon ako muli sa kanya. Nag iwas na siya ng tingin sakin bago nagsimula muling maglakad.
"Tara na. Minsan lang mahugas ng plato yang kapatid mo. Baka saniban na naman," sagot niya kaya sumunod na din ako.
Habang naglalakad, napansin ko na ni hindi siya lumilingon sakin.
Parang may mali?
Matapos naming mailagay ang mga plato sa lababo at makatikim ng singhal mula sa kapatid ko ay naglakad na muli si Chase pabalik sa iba.
Ang alam ko ay gagawa ng bonfire si Lexo. Pinalayo nga nila si Ulap at baka hindi lang daw bonfire ang gawin nito.
Sinundan ko si Chase. Hindi niya pa din ako nililingon.
Nagsimula akong kabahan. Kahit pa sabihin kong handa akong mawala siya, hindi din naman yun ganun kadali. At hindi ganito kabilis.
"Chase..." tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Dirediretso lamang siya sa paglalakad at parang may kumirot sa dibdib ko.
Biglang bumagal ang aking paghakbang at parang bumigat lalo ang aking pakiramdam.
I watch as his silhouette slowly diminished. Hangang sa nawala na lang siya bigla sa paningin ko.
Bakit parang nabaliktad yata bigla?
Galit siya. Ginalit ko si Chase.
Lagot.