Kapangalan"Did you see her clothes? They are all so plain! She doesn't even wear makeup!"
"I like her hair though,"
"But let's all be honest, she looks so ordinary. I'm still confused kung paano siya naka enroll ngayong semester. Our school doesn't normally admit late enrollees,"
I blocked the words I kept hearing around me. Puro lait. Even the things na hindi naman dapat pinapansin ay ginagawan nila ng kwento. Ayokong magsayang ng oras at panahon para patulan ang kanilang kababawan.
A long sigh escaped my lips.
Ngayon ay hindi ako sigurado kung maganda bang ideya ang lumipat sa paaralang ito. Hindi na rin naman bago sa'kin ang walang masyadong kaibigan dahil ganoon rin naman ako noon sa dati kong escuelahan.
Nakaya ko namang mabuhay hanggang magkolehiyo ako ng walang karamay na kaibigan. The last people I let in on my life only broke my heart.
I was ten then. Nagkaroon ako ng kaibigan sa cafe - si Antonia. Mas bata siya sa'kin at anak siya ng cashier ni mama. Tulad ko, wala din siyang papa kaya nagkakaintindihan kami. Lahat ng tampo ko kay mama at pagkasabik ko sa ama ay sa kanya ko lahat sinasabi. Pero wala, sa murang edad, naranasan ko ang maiwan.
Bigla kasing dumating yung papa niya tapos biglang hindi na lang bumalik yung mama niya sa trabaho. Nawala silang parang bula.
Tandang tanda ko pa kung paano akong umiiyak ng halos isang linggo dahil sa pag alis niya. Simula noon, hindi ko na sinubukang makipaglapit masyado sa kahit kanino.Napapikit ako ng konti ng marinig ko na naman silang naghahagikgikan. May kung ano yata silang tinitignan na mga litrato.
Napahinga ako ng malalim.
Napatingin ako sa aking paligid, wala pa yung prof kaya panay daldalan lang ang inaatupag ng karamihan.
Ilang araw na ba simula ng lumipat ako ng school, two weeks? And like what they said, I was a late enrollee ngunit dalawang araw lang naman akong nahuli sa klase.
Bukod sa pang mayaman, there is nothing special about this school. There is nothing out of ordinary in this school. Wala ring espesyal na nangyari sa'kin sa paaralang ito. Kung mayroon man, hindi siya espesyal sa'kin. Nagkaroon kasi ng insidente noong nakaraan kung saan nakabangga ko ang isang babaeng iniiwasan rin ng iba kong kapwa estudyante.
Mukhang nakainisan ako nito dahil nasagi ko ito habang nag re-retouch ng makeup.
I didn't mind though. Iniwasan ko na lamang ito.
These people around me, they often say that I look so plain. Minsan pa nga ay narinig ko rin na napagkamalan nila akong tomboy. Marahil siguro sa paraan ko ng pananamit.
Nabaling ang aking tingin sa pares ng sapatos na asa aking harapan.
Baka dahil na din sa suot ko palagi kaya nila ko napagkakamalan.
Wala kasing uniform dito sa school na nilipatan ko. Palibhasa madaming mayaman ang nag aaral kaya sunod sa kapritso na "wear what makes you comfortable".
Habang halos lahat sila ay halatang mamahalin ang mga suot, ako naman ay simpleng t-shirt at pants lang ay okay na. Minsan tinatali ko pa yung buhok o kaya naka-cap ako kase tinatamad ako magsuklay.
Katulad na lang ngayon, nakasuot lang ako ng black pants at plain white shirt na tinuck in ko yung bandang harap. Medyo malambot ang tela nun kaya kahit papaano ay sumusunod sa katawan ko. Ayaw ko din naman ng mga fit na damit.
Hindi ko naman kasalanan na halos lahat sila dito gusto nakadress pumapasok. Or kung magpapantalon is dapat sosyal ka pa ding tignan. Kung hindi naka litaw ang pusod, kilikili naman ang nakalitaw.
