17

4.5K 246 184
                                    

Kapag tagalog talaga kaunti comments. Ahaha

-----

Uwi na...

"Hoy Chaese, sagutin mo nga yang telepono mo. Ang sakit sa tengga ha," sagot sakin ng pinsan ko. Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya ng bahagya. Hindi ko pa din sinagot ang telepono ko na nakapatong sa ibabaw ng table sa aking harap pero isinilent ko na muna.

Pakiramdam ko ay hinahalukay ang bituka ko. Hindi ko din naman masyadong maintindihan kung anong ikinagaganito ko.

Dahil may event naman sa school at walang klase ay naisipan kong umuwi muna at dalawin ang aking pinsan.

Mas mainam na nga siguro ito. Baka kailangan ko munang mapag isa at lumayo.

Nang makauwi kami sa bahay ay tinawagan ko agad si papa at nagpaalam. Pumayag naman agad siya.

Gusto kong mag isip at hindi ko magagawa yun kung malapit ako kila Chase. Sa sobrang pagmamadali kong makaalis kanina ay ni hindi na ako nakapagsabi sa aking kapatid. Hindi rin naman ako sigurado kung may pakialam siya.

"Nixie, hinaan mo nga yang tugtug mo, ang sakit lang sa tengga," pangiinis ko sa kanya. Kampante akong nakaupo sa couch sa gilid. They have a computer shop at dito ako dumiretso. Hindi naman ito kalayuan din sa cafe ni mama pero at least hindi ito alam nila Chase.

Umalis siya sa counter at lumapit sa gawi ko bago ako tinaasan ng kilay. May mga naglalaro sa kabilang side ng shop samantalang sa kabila ay ang mga estudyante na nagreresearch. Pinaghiwalay talaga nila dahil masyadong maingay.

Umupo siya at nagdekwatro. Napangiwi ako ng bahagya ng mahahip ng tingin ko ang panty niya. Nakaminiskirt si gaga.

"Kadiri ka, Nixie. Kita na yang panty mo o. Buti sana kung maputi po ang singit," nakatawang sita ko na ikinasimangot niya.

"Hay naku Chaese. Umalis ka na nga dito! Nakakainis ka!" humalukikip siya. Namiss ko tong babae na to.

Napansin kong umilaw bigla ang telepono niya.

"Si Jimin pa din yang display photo mo? Ano bawal mag move on?"

Tinignan niya lang ako ng masama. Etong pinsan ko na to baliw na baliw sa mga gwapo e. Dati sa mga Delafuente patay na patay pati dun sa mga pitong puto daw. Ang weird lang. Mabuti na lang din hindi siya nagagawi sa cafe ni mama sa tuwing nandun sila Ulap. Baka din magkagulo. Hindi din kase to papaawat. Sunggab kung sunggab!

"Pakialam mo? Malapit ko na ding maakit tong si Jimin," pagyayabang niya na ikinatawa ko lang. Kunwari pa niyang iniipit ang kakaunting buhok na nalaglag sa kanyang mukha sa likod ng kanyang tengga.

Arte.

"Paano mo maaakit yun e hindi ka naman kilala noon? Tsaka sana po ang pagpapantasya inaayon po sa ganda dib-aray!" tumatawa kong sigaw. Ang walanghiya, binalibag ako ng maliit na unan.

Napansin kong napapatingin na sa amin yung mga naglalaro. Meron ding isa na sumusulyap sa aming gawi na nakatingin pa sa kanyang cellphone.

"Kainis ka talaga dyan! Akala mo naman ang ganda mo din e wala ka din namang dyowa,"

Natahimik ako sa sinabi ni Nixie. May nobyo nga ba ako? Hindi ko din kase sigurado kung meron ba talaga o kung nagkaroon ako man lang.

Napatingin ako sa sarili kong telepono. Kanina pa tawag ng tawag si Chase at pinupuno ng text ang phone ko. It's been what? Five hours mula ng umalis ako kanina.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon