Durog....
"Whatever she told you, kausapin mo muna si Chase," salubong ng aking kapatid ng pumasok siya sa aking kwarto.
Sinundan niya ako sa veranda habang ako ay nakapikit pa din at ninanamnam ang simoy ng hangin.
Gabi na at sobrang daming nangyari ng araw na to. Pati ako ay nadala sa ospital dahil sa panic attack.
Sobrang gulo. Pinatawag sila papa sa school. Akala nila ay nag aaway kaming tatlo sa loob. If it wasn't for Cheska's family and for Chase, baka kung ano na ang naging kaso ko sa eskuwelahan at mapagbintangan pa akong nambubully.
Papa was so calm. Si Ate Dee ang nagpaliwanag ng lahat habang ako ay nasa ospital.
Nakausap ko din si Cheska doon. Na sana hindi ko na lang ginawa.
I felt a hand on my shoulder. Kamay lang ni Ate Dee pero parang napakabigat.
Hindi ko siya nilingon. Hindi ko kaya. Not after everything that has happened.
Not after everything I have learned.
"Chaese..." nadinig kong tawag ng aking kapatid. Ramdam ko ang pag aalinlangan niya. Pero ako, hindi ko na alam ang dapat na maramdaman.
Kapwa kami natahimik na dalawa at tumayo na lamang siya sa tabi ko.
Ang tahimik. Pero ang buhay ko, simula ng nagtungo ako rito ay naging sobrang gulo.
"Do you love me?" basag ko sa katahimikan sa pagitan namin. Naramdaman ko ang paglingon niya sa aking gawi pero hindi ako lumingon para makita ang kanyang mukha. "Do you love me as your sister? Tanggap mo ba ko?" dugtong ko.
Ito lang naman talaga ang habol ko dati kaya ako nagpunta dito. Ito lang, ang magkaroon ng kapatid. Ang matanggap niya.
"Hindi mo ba maramdaman?" mapait niyang turan.
Hindi ako sumagot. Natahimik na din siya at tila nag iisip.
"I know I was cold to you then," umpisa niya. Hinayaan ko siyang magsalita. "Kase anak ka sa labas. Kase dahil sayo, nagkalamat ang perpektong tingin ko kay Papa...kase dahil sayo, natatakot akong masira ang tahimik na pamilyang buong buo para sa akin....dahil lang sa isang anak sa ibang babae,"
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Ang tagal na naming magkasama pero kahit kailan ay hindi kami nakapag usap ng ganito.
"My Mom was very kind. Gusto kong mainis dahil sa halip na magalit siya kay Papa ay hinanap ka pa niya at kinupkop. Hindi ko nga maintindihan noong una kung bakit wala lang sa kanya na kausapin ang mama mo. Ang weird," natatawa niyang turan. Napangiti din ako ng bahagya. Sa totoo lang ay maging ako ay naguguluhan. Hindi ko magets kung bakit parang papasa pang magbestfriends ang mga nanay namin samantalang kung sa ibang pamilya siguro iyon ay baka nagkapatayan na.
"But I heard them. I heard our parents. Hindi nila alam pero sumunod ako sa kanila noon," nanginginig na ang kanyang boses. "Nakita ko, kung paanong lumuhod ang mga magulang ko sa nanay mo para magsorry,"
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Hindi ko maintindihan.
Nagpunas siya ng kanyang luha.
"Si Papa, nag away sila ni Mama noon kaya nagpunta siya sa isang bar. Iinom lang dapat pero may nangyaring mali. I heard both our parents were drugged on that bar. Aksidente ang lahat. May nangyari pero sa lahat ng nangyari, ang mama mo lang ang pinakanatamaan. Naiwan siyang mag isa. Naiwan siya na walang karamay kahit pa nga pareho naman silang biktima,"