Mamamatay...
"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Kanina pa siya nagmamaneho. Lagot ako nito kay papa kapag nakarating sa kanya na hindi ako pumasok.
Ito kaseng si Chase, bigla na lang nanghahatak. May klase pa sana ko e. Kahit hindi major yun, hindi naman tama na lumiliban na lang ako.
"Huy..." agaw ko sa atensyon niya. Kanina pa siya ganun, nakatutok ang mata sa pagmamaneho tapos kapag mapapatingin sakin, lilingunin ko din siya tapos bigla na lang siyang ngingiti. Hindi ko din magets.
"Idedate nga kita," pang iinis niya. Alam ko naman na namumula na naman ang pisngi ko. Hindi yata ako masasanay sa mga pabanat banat niya.
"Date daw e parang naliligaw ka na..." mahina kong bulong na ikinatawa niya.
Nagulat ako ng lumiko ang sasakyan papasok sa isang mall.
Napaismid ako ng bahagya. Date daw e magsashopping lang pala. Hindi ko alam kung bakit pero bahagya akong nakaramdam ng inis.
Disappointed po?
Napasimangot ako agad. Hindi naman pala sweet.
Nang makababa kami ng sasakyan ay hindi na man siya hinintay na ipagbukas ako ng pinto. Hindi ako sanay at nakakailang ang mga ganun. Kitang kita ko ang pagsimangot niya.
"Hayaan mo naman akong kumilos. Excited ka masyado,"
Napaismid na lang ako.
"Ano bang bibilhin mo at nang makabalik na ko sa school," sabi ko sabay martsa palayo sa kanya. Nakakairita talaga.
Ako siguro yung tao na napakadaming ayaw sa buhay.
Ayaw ko ng gamot, ng ospital. Ayaw ko ng aso. At ayaw ko din ng cinnamon. Ayoko ng mini skirt at higit sa lahat, ayaw ko ng teddy bears.
Malapit na din akong umayaw sa keso. Nakakabwisit kase.
Nagulat ako ng may biglang humawak ng.aking kamay. He intertwines our fingers and I had to do a double take.
Paano ba kumalma kung pagharap ko sa kanya ay halos mawala na ang kanyang mga mata sa sobrang pag ngiti.
"Bat ka naiinis? Nang iiwan ka. Bad yun," He was swaying our hands back and forth at napatingin na lang ako dun.
"Tigilan mo nga. Nanghaharot ka na naman," inis kong turan bago tinangkang hablutin ang aking kamay ngunit nabigo ako.
Napaubo ako ng bigla pa siyang kumindat. Napasulyap ako sa paligid. May mga estudyante akong nakikita at bawat hakbang namin ay may napapatingin sa kanya. May iba na para pang kinikilig. Mas lalo akong nainis.
"Ang sweet naman nung guy..."
"Ang cute nila. Galit yata si ate..."
"Gwapo ni kuya ha. Si ate sakto lang. Mukhang hindi nag aayos,"
"Hindi sila bagay. Lolokohin lang ni kuya yung girl. Sayang,"
Napalingon ako bigla sa huli kong nadinig. Mga tsismosa.
Nagulat ako ng bigla akong hinigit ni Chase palapit sa kanya at dali-daling sumadsad sa kanyang dibdib. Dahil sa gulat ay naipatong ko ang aking kamay sa kanyang dibdib habang ang isa niya pang kamay ay mabilis na pumulupot sa aking baywang.
"Careful baby..." tumindig yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pagdampi ng kanyang hininga sa aking batok.
Ay putek.
![](https://img.wattpad.com/cover/174154286-288-k590363.jpg)