Mali...
"Hindi! Ayoko! Hindi ako sasama!" malakas na sigaw ni Milan habang lahat kami ay paangkas na sa kanya kanya naming mga sasakyan. Si Milan, nakatayo pa din sa labas at panay ang tantrums.
Napatingin ako kay Chase. Nakatayo siya sa tabi ng kuya niya. Hindi siya nagsasalita pero malakas ang kutob ko na sang-ayon siya sa kapatid niya.
Anong meron?
"Ano ka ba Ulan? Naduduwag ka na naman?" nadinig ko ang boses ni Ice na halatang naiirita na.
"Dee, can you please do something? Milan Rain is starting to piss me off," sigaw ni Mattee bago umakyat sa loob ng sasakyan. Nakasakay na din ako at nakasilip sa bintana habang nakatingin kay Chase na malapit na yatang magtago sa likod ng kuya niya.
"Milan," seryosong tawag ng kapatid ko. Natawa ako ng magpapadyak si Kuya Milan habang nakanguso naman si Keso.
What's with these brothers?
Napasigaw si Milan ng bigla siyang umangat sa ere nang isinampa siya ni Lexo sa balikat nito.
"Gago ka Lexo! Pipitpitin ko talaga yang mga muscles mo kapag hindi mo ako ibinaba!"
"Ayan, isakay mo na yan at baka maisako ko pa yan," napailing na lang si Kuya Aedree na sa malamang ay nag utos kay Lexo na buhatin si Milan. Hindi naman kikilos tong bata na to kung hindi. Malamang na hindi matakot si Lexo kay Milan kung andyan ang mga kuya niya. Tsaka nandito din si Grey. Magwawala si Lantis kapag may nangyari sa kambal niya.
"Oh ikaw ungas? Ipapakita mo din sa babae mo kung gano ka kaduwag? Sabihin mo lang at ibabaon na lang kita dito sa buhanginan dito," bigla na lang sumulpot si Julio sa likuran ni Chase na kulang na lang ay mapatalon sa gulat. Ang singkit niyang mga mata ay nanlaki bigla at agad siyang napalingon sa gawi ko. Nakadungaw ako sa bintanA.
"Ayaw mo akong katabi?" nagtatakang tanong ko na ikinalaki lalo ng mga mata niya at panay ang naging pag iling.
Ano bang iniisip niya? Inamoy ko ang sarili ko. Naligo naman ako.
Napansin yata ni Julio ang ginawa ko kaya natawa siyang bigla. "Ayan Keso, tanga ka talaga. Umakyat ka dun o iiwan ka talaga namin dito. Bahala na yung kambal mo magpaliwanag kay tita," natatawa niyang turan bago nilampasan si Chase para dumiretso sa isa pang sasakyan.
Ang gulo na. Kung saan saan na sumakay ang iba.
Sumunod na din naman sa Chase at umupo sa tabi ko.
Bahagya akong yumuko upang silipin ang kanyang mukha.
Nakapout siya. Ang cute. Pakiramdam ko ay may lumundag sa loob ng aking dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay. Araw araw pakiramdam ko ay unang beses ko pa lang siyang nakikita. Nakaka mesmerize ang kagwapuhan niya. At kahit pa nakasimangot siya, para pa ring may bagyo na bumabayo sa loob ko.
"Wag kang magpacute dyan Andeng. Baka maubos ko yang labi mo," sabi niya sabay irap sakin.
Napaupo naman ako agad ng maayos at namula ang mukha.
Napalingon ako ng may tumawa sa aking likuran, si Xantha.
"Rupok..." She mouthed and I ended up giving her a finger. Ang lakas ng naging singhap niya samantalang si Grey naman ay natawa.
"Bakit ka nandito? Andun yung lalaki mo sa kabila ah?" Tanong ko sa kanya na ikinairap naman agad ng gaga.
"Galit sakin yun. Binayagan ko e,"
