20

4.4K 180 63
                                    

Daming naconfuse hahah, sorry minadali ko kase. Anyways, sino ang nakanuod ng Hyde Jekyll, Me? Parang ganito si Atlantis Grey. May dual/split personality.

Iisa ang katawan pero may ibang personalidad.

-------------------

"Sorry ate but I can't," pakiramdam ko ay maiiyak ako ng marinig ko ang lungkot sa boses ni Grey.

Niyayaya ko siyang lumabas para sana magbonding pero natatakot siya dahil baka magising si Lantis habang nasa labas siya.

Finding out that Lantis and Grey are the same person still gives me chills. Hindi sila kambal kung hindi iisang tao sila na may magkaibang personality. Iisa ang katawan, pero dalawang persona. Ang hirap intindihin sa totoo lang.


Akala ko sa tv lang merong ganun pero nung nakita ko ng personal, hindi ko alam kung anong iisipin ko.

Apat na buwan pero hindi ko man lang nahalata o naisip na iisa lang sila. Magkaiba din naman kase sila ng boses at hindi ko dim nakita agad si Grey in person. Perky yet sweet si Grey at walang kalatoy latoy pero nakakapangilabot naman si Lantis.

A week after finding out about this secret, unti unti ko na ding naintindihan ang mga nangyayari.

Sabi ni Chase, nagdevelop daw ang multiple personality disorder ni Grey nung bata siya. She used to be okay. Kung bakit nahing ganyan siya, hindi niya na sinabi at hindi ko na din tinanong. I know the topic was sensitive to them. Halata naman dahil mukhang hindi nila tanggap ang second personality ng prinsesa nila.

Kaya pala ganun na lang ang pagsusungit nila minsan kay Lantis dahil ayaw nila sa kondisyon ni Grey. Pero gayun pa man ay mahahalata mo pa din na inaalagaan nila si Lantis kapag nasa labas.

Nang minsang dumalaw ako sa kanila ay nag open up sa akin si Grey. Ayaw niya daw kaseng malito ako.

Sabi niya, madalas na nagtetake over ang personality ni Lantis sa kanya. Hindi niya kayang kontrolin lalo na kapag nasa labas sila. It was like an automatic defense at nagkoclose ang utak niya at si Lantis ang nagigising.

That time when I saw her and Chase, she said he was partly drunk at napagod ang persona ni Lantis kaya hindi na din niya namalayan na lumabas na din pala siya. 

Honestly speaking, ang gulo gulo. Nakakalito. Gusto kong malaman kung paanong nagmanifest ang ganitong disorder sa kanya pero ayoko din namang magtanong.

She seems so pure at maging ako ay nasasaktan sa nangyayari sa kanya.

Above all, nasisira ang katawan ni Grey, napapagod. Nababawasan ang oras ng kanyang tulog dahil sa pagswitch ng personality niya.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi habang hinihimas himas ako ang ulunan ni Chase. Paminsan minsan ay papadaanin ko ang aking kamay sa kanyang pisngi.

Para siyang anghel na natutulog.

Nasa sofa kami habang nakahiga at nakaunan siya sa sa mga hita ko. Sabi ni Grey, natrigger daw yung disorder niya kagabi dahil naalala ni Lantis yung sumampal kay Lexo kaya napagod si Chase sa pagpapakalma sa kanya. Kaya ngayon, tulog na tulog ito sa sala. Sabi ko matulog siya sa kwarto niya pero ayaw niya akong iwang mag isa.

Napatingin akong muli kay Grey at nakita ko ang lungkot na sumibol sa kanyang napakaamong mukha.

She started playing at the hem of her shirt.

"It's my fault..." umpisa niya. Hindi na siya nakatingin sa akin at nahimigan ko na din ang panginginig ng kanyang boses.

"Grey..." bulong ko. My heart aches for the girl. Ang bata bata niya pa pero ang hirap hirap na ng kanyang pinagdadaanan.

"Dahil sakin, nalilimitahan ang buhay nilang lahat, yan, si Kuya Chase. Dahil sakin kinailangan niyang iwan si Ulap para samahan akong magpagamot, na wala namang naging silbi dahil tignan mo nga," tinuro niya ang kanyang kabuuan, "Eto pa din ako o? Walang nagyari. I'm still a freak!" umiiyak na turan niya. Parang nadudurog ang puso ko sa bawat luhang kumakawala sa napakaganda niyang mga mata.

"Don't say that pumpkin..." naiiyak ko na ding turan. Ang sakit sakit. Nasasaktan ako sa para sa kanya. Bakit siya pa ang nahihirapan ng ganito? Hindi niya kaya.

"Totoo naman ate. Kahit hindi nila sabihin, alam ko na ang laki ng isinakripisyo ni Kuya Chase. Si Ulap lang ang medyo tanga na hindi ata nagets," napapailing na turan niya.

"What do you mean?" tanong ko.

Alam ko na kayang pakalmahin ni Chase si Lantis ngunit dahil daw yun sa palagi naman silang magkasama. Ang hindi ko lang naintindihan ay bakit si Chase ang naging karamay ni Grey at hindi ang mga kapatid niya. She has Ice and Aedree. And she has her twin, Alexo Gold.

A painful smile escaped on her lips.

"Kase mahal niya kami. Natatandaan ko pa, nagwawala si Ulap nung nalaman niya na aalis ako at si Lexo. Napansin mo naman siguro na Lexo and Cloud acts more of a twin kasya sa amin na tunay n nga kambal" napatingin akong muli kay Chase nang bahagya siyang kumilos para umayos ng pwesto. Sana hindi siya nangangawit.

"Hindi ko alam kung dahil pareho silang bunso na mula sa kambal pero mas naging close sila. Lexo would cry if he hears Ulap crying. At magtatantrums si Ulap kapag umiiyak si Lexo. Kaya ng halos himatayin ang dalawa ng malamang maghihiwalay sila, Chase acted mature for his age and went with me. Para kay Ulap, nagawa niyang samahan ako sa Amerika para daw gumaling," nanunuya niyang turan. Nakangiti siya ng nakakaloko at medyo kinabahan ako dahil baka magswitch siya bigla.

"Ilang taon na din ba ang inabot pero heto pa din ako. Hanggang sa ako na ang kusang sumuko at humiling na umuwi na ulit dito. I'd rather stay with my family longer kaysa umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan," sambit niya. She was wiping the tears on her cheeks.

A whimper escaped my lips. "Sorry, naiiyak din ako," bulong ko na sinubukan na ding punasan ang mga luha sa pisngi ko. Sumakit na din ang aking lalamunan sa pagpipihil na humahulgol sa harap niya.

Despite everything, Grey is acting mature about it. Hinahayaan nila si Lantis na mabuhay na bilang siya.

"Okay lang ate. I'm just glad kuya Chase found someone like you. At least kung bigla akong mawala, I know someone will be there for my kuya..." makahulugan niyang turan na nakapagpalito sa akin.

Bakit siya mawawala?

"Chaese?" nagulat ako ng pumailanlang ang nag aalalang tinig ni Keso.

Naalipungatan yata siya at tila naguguluhan ng makita akong umiiyak. Agad akong lumihis ng tingin at mabilis na pinunasang muli ang aking mga luha.

Agad siyang umupo sa aking tabi at inabot ang aking pisngi... "Hey,  are you okay?" bulong niya.

"Balik lang ako sa kwarto ko..." sinundan ko ng tingin si Grey na mabilis na umalis sa aming harapan.

Lalo akong napaiyak at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Keso.

"Don't cry Andrea..." bulong niya. Maingat niya akong hinatak hanggang sa mamahinga ang aking pisngi sa kanyang dibdib habang marahang hinahagod anh kanyang likod.

Lalo akong naiyak. I felt her pain. Ang hirap isipin na ang isang tulad niya ang naghihirap ng ganito samantalang ako ay minsan nagrereklamo pa kahit na wala man lang sa kalingkingan ng pinagdadaanan niya ang pinagdadaanan ko.

Lumayo ako ng konti kay Chase at tinignan siya.

"Kawawa naman si Grey..." umiiyak na turan ko sa kanya at agad na lumalam ang kanyang mga mata at hinatak ako ulit.

"When we were a kid, Grey will always fight Lexo's bullies. Sobrang tapang niya. Grey is strong.  Ganoon ang mga Puntavega, we have strong hearts. And her, siya na yata ang pinakamatapang na Puntavega sa amin. Kaya ni Grey to. One day, she'll finally be free from her condition. We trust her," bulong niya.

Ako kaya, kakayanin ko kaya kung ako ang biglang bigyan ng ganitong problema?

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon