Maharot....
"Tanga....Tanga....Tanga..." sa bawat katagang binibitawan ko ay kasabay ng mahinang pag umpog ko ng aking ulo sa ibabaw ng lamesa.
Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga dito sa loob ng klase. Hindi na ko nakapasok sa first subject ko kanina dahil sa nangyari kanina sa bahay.
"Nakakahiya!" nanggigigil na bulong ko sa aking sarili.
I can still vividly remember what happened earlier this morning, kumpaanong nalaman ni Tita Monica at Papa na natulog si Chase sa tabi ko.
Bakit ba kase ako nakatulog din? Dapat hinintay ko muna siyang makaalis. Alam ko namang nakainom siya so malamang hindi agad yun magising.
E akong si tanga, masyadong nag enjoy sa yakap niya. Himbing na himbing din ako.
Kung hindi pa hinatak pabagsak ng kama ni Ate Dee si Chase ay hindi pa ako magigising.
*flashback
"Ouc-"
Napamulat din ako ng tingin ng may nadinig akong kumalabog. Tsaka nedyi nanibago ako ng mawala ang mga kamay na nakapalupot sa aking baywang.
"Aray ko naman Dakota. Ang sakit ha!" singhal niya sa kapatid ko.
Agad akong napaupo at nanlaki ang aking nga mata ng marealize kung ano ang nangyayari.
Nakatayo si Ate Dee sa sa gilid ng kama at nakapamaywang habang nakatingin sa amin.
Shit.
"Pinapagising kayo ni Mama," sagot niya bago ako tinapunan ng tingin.
"Mag ayos ka na. Late ka na sa klase mo. Nag hihintay sila Papa sa baba. Isama mo daw yang boyfriend mo para sumabay kumain," sagot niya bago kami tinalikuran.
Napaawang ang aking bibig.
Si Papa? Alam ni Papa na andito si Chase sa kwarto?
Nahatak ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan at nakagat ito.
Puta.
Nahagip ng tingin ko ang marahang pagtayo ni Chase mula sa sahig. Iritado pa din ang itsura niya. Badtrip na naman to kay ate.
Napalunok ako. Kahit sa umaga sobrang gwapo niya pa din. Naalala ko tuloy kung gaano kahimbing ng naging tulog ko. Ang bango bango niya kase.
"Huy, bakit dito ka natulog? Mapapagalitan tayo ni Papa!" namumula ang aking pisngi. Pinanuod ko siya ng muli siyang sumampa sa kama at nahiga paharap sakin.
Ang lakas lalo ng naging tibok ng puso ko.
Punyeta tong lalaki na to. Papabaliwin yata talaga ako. Hindi niya ba alam na parang hinihigop na niya ang lahat ng lakas ko? Ang aga aga pero para na akong nalulunod sa sobrang emosyon dahil sa kanya.
Nagtama ang aming paningin at naiangat ko lalo ang kumot para itago ang aking mukha.
Putangina. Baka mukha aking kalapati. Tsaka baka puro laway yung pisngi ko.
Natawa naman siya sa inasal ko.
"Ang cute naman ng girlfriend ko.." bulong niya. Nakangiti pa siya sakin at pakiramdam ko ay may palakang nagkakandirit sa loob ko.
Punyeta talaga.
Sa sobrang nerbyos ay napatalon ako pababa ng kama at nagtatakbo sa banyo.