Ako ba?
Nang makalayo kami sa cafe ay binitawan na din naman niya ako.
Kung ibang pagkakataon siguro ay baka hindi ako sumama. Kase bukod sa hindi ko siya kilala ay hindi naman din talaga ako mahilig lumabas. Kung hindi lang sa mga Puntavega ay baka nagbuburyong lang ako sa bahay.
I watch a few students looking at our direction. Medyo malapit nga pala sa school ang cafe. May iilan na napapatingin sa amin, marahil ay nagtataka kung bakit kami magkasama. Napansin ko din na may iilang babae na napapatingin sa kanya. Hindi naman ako magtataka dahil gwapo naman talaga siya.
Tahimik lang kaming naglalakad habang kapwa humihigop sa iniinom. And I like it. Gusto ko yung tahimik lang. Yun kase ang kailangan ko ngayon, peace.
To be honest, I'm glad na hinatak niya din ako paalis sa kanila. Kaunting kaunti na lang kase ay bibigay na naman ako. Ayokong maubos. Ang dami ko nang naiyak e. Gusto ko namang mayroon akong maitira para sa sarili ko. Kase sobra na. Sobra na yung sakit.
Naglakad lang kami, nasa gilid ako habang siya ang nasa may malapit sa kalsada. He wasn't saying anything but itbwas obvious that he was making sure I was safe. Mukhang may itinatago ding kabaitan ang masungit na lalaki na ito.
"That Puntavega," putol niya sa katahimikan na bumabalot sa amin, "I mean, that Aedree, is he okay?" bigla niyang tanong. Napalingon ako sa kanya ngunit ang kanyang tingin ay diretso lamang sa kalsada.
Napakunot ang noo ko. Bakit niya gustong malaman? Napaawang ang aking bibig.
"Bakla ka?" huli na ng mapagtanto ko ang naibulalas. Agad na nagdilim ang kanyang mukha at nilingon ako. Umusod pa ako ng kaunti dahil pakiramdam ko ay gusto niya akong batukan.
"Luka luka. I mean, I was asking if he's a good guy. Palagi niyang kasama ang pinsan ko, baka mabugbog ko lang yan kapag may ginawa siyang hindi maganda kay Caitlin,"
Mga ilang segundo bago nagregister sa utak ko ang sinabi niya.
"Ahhh..." sagot ko. Bahagya pa akong napahagikgik sa naisip. Ang gwapo niya sanang bakla. At pinsan niya pala si Xantha? Bakit ngayon ko lang yata siya nakita?
Bahagya akong napaisip, "Mabait naman si Kuya Aedree, maalaga, gwapo, matangkad. Tsaka makulit din," nakangiti kong turan. "Lahat sila mabait kaya huwag kang mag alala, she found a set of good people,"
Napaismid siya sa aking tinuran, "Totoo!" Giit ko. Sobrang bait nilang lahat at sobrang maalaga. Kahit kailan naman ay hindi nila ako pinabayaan.
"Kaya pala maga yang mata mo," nang iinis niyang turan na ikinatahimik ko agad. "Mabait at maalaga e sinaktan ka nga," dagdag niya pa. Napayuko na lang ako.
"Hindi niya naman sinasadya..." pagtatangol ko kay Chase. Kahit ano pa ang nangyari ay hindi ko maitatangi na hindi naman niya ako pinabayaan nung magkasama pa kami. Kaya lang kase iba na ngayon.
Napaismid siya, "Stupid,"
Agad akong sumimangot. "Singko ang pangalan mo? As in Lima?" iminuwestra ko pa ang aking palad sa kanya. Humarap siya ulit sa akin at bigla anong pinitik sa noo.
"Aray ko ha!" singhal ko sa kanya. Ang sakit na ng noo ko. "Nakakailan ka na dyan ha!"
Napangiti naman siya sa akin. "Ilan taon ka na? Mas matanda yata ako sayo e!" sumbat ko pa na ikinailing niya.
"Now I know why Xantha likes you. Isa ka ding baliw tulad ng pinsan ko," natatawa na niyang turan. Napatulala na lang sa itsura niya. Tumatawa siya! Hindi siya bato!
Nang mapansin ang pagtitig ko ay agad din siyang nagseryoso.
"Huwag mo kong titigan. Letse ka baka magkagusto ka sakin,"
Napaismid naman ako sa kanyanh tinuran. Pakiramdam ko ay biglang may hinalukay sa sikmura ko
"Feeling mo naman. Mas gwapo nga sayo si Chase no!" sagot ko agad ngunit agad ding nakapagpatigil sa akin. Natulala na naman ako.
Naalala ko na naman siya. Naalala ko na naman ang sakit.
Napahinto ako. Maging siya ay natigil sa paglalakad at napatingin sa akin.
"Ano, sa susunod na lang tayo mag usap tungkol sa project natin. Uwi na muna ako," sagot ko sa kanya. Napansin ko na napalingon siya sa gawing likod ko. Lilingon na sana ako ng bigla siyabg magsalita.
"Lemme get your number then so I'd know how to find you," saad niya. Kinapa ko ang aking bulsa tsaka ko naalala na hindi ko nga pala dala ang phone ko.
"Ah, sige bigay ko na lang. Nakalimutan ko palang dalhin. Message mo na lang ako," sagot ko sa kanya tsaka isinadula ang aking numero pagkalabas niya nh kanyang telepono.
He was still tapping on his phone ng may marahas na humila sa sakin palayo sa kanya.
Napalingon ako at kitang kita ko ang nanggagalaiti niyang ekspresyon.
"Hey!" sita ni Cinco sa kanya. Gusto ko mang magsalita ay para akong napipi. Chase was holding my arm. Sa halos isang linggo na hindi ko siya nakakasama, pakiramdam ko ay para akong napapaso. Na kaunting haplos niya lang sa kamay ko ay para na akong mababaliw.
Miss na miss ko na siya.
Sobra.
Humarap siya sa akin at ang kanyang napakagandang mukha ay para ng sinakop ng kadiliman.
"Who told you that you can just go off on me like that!?" galit niyang turan. Nanlilisik anh kanyang mata na patinangbkanyang pagkakahawak sa aking braso ay bigla na lang ding humigpit.
"Chase...", Napadaing akonsa sakit na dulot ng pagkakawak niya sakin.
"Isang linggo lang Andrea! Hindi mo man lang ako hinintay na kausapin ka! Ganoon ka kaatat na palitan ako, ha?!" galit niyang turan.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ngbdugo sa aking ulo sa kanyang tinuran.
Ako pa? Ako pa ngayon ang mali?
Marahas ko siyang tinulak. Sa pagkabigla ay nabitawan niya na din ang aking kamay.
"Tama na!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang kinikimkim na hinanakit.
"Bakit ako pa Chase? Ako pa ngayon nag minamali mo e sino ba satin ang gumawa ng kagaguhan?" garalgal na ang aking boses at kaunting kaunti na lang ay siguradong tutulo na ang aking nga luha.
"Ako pa ang mali. Ako ba ang may kasamang iba? Ako ba ang nagpaasa?" sumbat ko. "Sinabi ko naman sayo dati, huwag mo kong lalaruin. Umiwas naman ako, ikaw tong sunod ng sunod. Okay naman ako ng wala ka e. Pilit ka ng pilit sa sarili mo e ayaw ko namang makipaglaro,"
Pinahid ko ang luhang naglalandas na sa aking mga pisngi. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya.
"Chaese, hindi ganun, sinabi ko naman sayo di ba, mahal kita...." nagsusumamo niyang turan na ikinatawa ko ng nakakaloko.
"Tanginang pagmamahal yan Chase, ang sakit. Pwede ba, tigilan mo na ko. Tinanggap ko na e. Ako na yung lumalayo. Maghanap ka na lang ng ibang lalaruin please, wag naman ako. Huwag ako," may diin kong turan bago siya tinalikuran.
Mabilis akong naglakad palayo at pinara ang taxi na padating. Mabuti na lamang at huminto din ito kaya mabilis akong sumakay.
Gago ka Chase, bakit puro sakit na lang ang binibigay mo sakin nitong mga nakaraang araw? Pagkatapos ng ilang buwang saya, ang katumbas pala ay isang linggong nakakamamatay na sakit.
Ang sakit sakit...
![](https://img.wattpad.com/cover/174154286-288-k590363.jpg)