Bisita
"Miss Andrea?" napamulat ako ng madinig ko ang marahang katok mula sa labas ng aking silid.
Napaungol ako pero hindi ako nag abalang magmulat man lang ng mga mata.
Gising naman na ko. Tinatamad pa lang akong bumangon. Lunes ngayon at hindi muna ko papasok. Medyo magaling naman na ako pero sinabi nila Papa kagabi na sa Martes na daw ako pumasok para mas lalo akong makapagpahinga. Nakatawag na din naman daw sila sa eskwelahan.
Isa pang katok, "Miss Andrea, papasok na po kami..."
I turned sideways not bothering to stand up and open the door for them. Papasok naman din sila.
Napatalukbong pa ako bahagya ng kumot ng biglang magliwanag ang paligid sanhi ng pagbukas ng ilaw. Sarado kase ang bintana sa aking kwarto kaya medyo madilim pa din sa silid kahit nakasisiguro akong tanghali na.
Simula ng lumipat ako dito ay hiniling kong mapalitan ng kulay dark grey ang pintura ng kwarto and a shade darker for my curtain.
I know my room is gloomy but that's what makes me feel comfortable. Bukod sa dresser, study table, book shelves at isang malaking cabinet na halos stuff toys ang laman ay wala ng ibang disenyo ang aking silid.
Dati paborito ko ang baby pink pero ng lumaki ako ay medyo nahilig ako sa iba.
"Miss Andrea, dinala na lang po namin ang pagkain niyo dito para di na po kayo mahirapang bumaba," salita nila bago nagpaalam na lumabas.
Ganito na sila simula pa lang kagabi. Ingat na ingat na mahilo ako ulit. Bago nga ako natulog kagabi ay dalawang beses kong nadinig na bumukas ang pinto ng aking silid. Parang may sumisilip kung tulog na ko kaya pinanindigan ko na lang kaysa mag alala pa sila.
"Ahmmmm," ungol ko bilang tugon at hindi nag abala pang bumangon. Bakit parang hindi nila isinara ang pinto?
"Tama nga ako, wala kang planong maligo,"
Napamulat ako agad ng mata ng madinig ko ang pamilyar na boses na dumadagundong sa loob ng aking silid. Sa isang iglap ay napabalingwas ako ng bangon, nakita ko pa na nagtaas siya ng kilay ng makita ang aking suot. Baby pink na pajama, kase nga medyo hindi naman ako nagmove on sa kulay.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang pigura niya na nakasandal sa dahon ng pintuan, nakaitim na pants na may punit sa bandang tuhod at gray na sweatshirt. Kakulay niya yung dingding ko.
Parang mamasa masa pa ang kanyang buhok. Lunes ngayon ah, hindi ba siya pumasok?
And then I saw it, he was wearing my house slippers.
"Bat suot mo yan?" bigla kong tanong sabay turo sa suot niya. Ibinaba niya ang tingin at bahagya pang ginalaw galaw ang mga paa.
"E eto pinasuot ng ate mo sakin e," seryoso niyang sagot. Nagulat ako ng bigla niyang isara ang pintuan at dahan dahang lumapit sa aking direksyon.
Napalunok ako.
"Hoy teka lang, bakit mo sinara ang pinto? Tsaka anong ginagawa mo sa kwarto ko?" hindi ko alam kung tumataas ba lalo ang temperatura ko dahil sa sakit o dahil sa ibang bagay.
Napakunot ang noo niya.
"Pinaakyat ako ni Dakota dito. Ako daw mag aalaga sayo," sagot niya.