13

5.3K 203 41
                                    

Larawan....



"Aray ko naman bakla ka. Kanina ka pa ha, nawawala ka na sa sarili mo?" napaangat ang aking kilay habang si Xantha na nabuwang na yata ay patuloy sa pag itsa sa akin ng mga butil ng mais na pinapapak niya.

Nasasapian na yata. Ang sakit pa naman ng mga iniitsa niya.

"Lumayo ka ng konti sakin. Madumi ka, layo..." natawa ako sa sinabi ni Xantha. Ang walangya, nababaliw na naman. Kanina pa siya nakasimangot dahil ni wala daw akong nabanggit sa kanya tungkol sa amin ni Chase.

Ang eksenang ginawa ni Chase sa parking lot kanina hanggang sa paghatid niya sa akin sa una kong klase ay mabilis na kumalat sa buong eskuwelahan. Hindi nga ako nakapagconcentrate sa una kong klase dahil sa talim ng mga titig na nakukuha ko sa mga kababaihan.


"Naligo ako," sagot ko sa kanya. Bahagya kong nabasa ang pang ibaba kong labi ng may maalala sa sinabi. Si Chase kase, palagi niya kong pinagbibintangan na hindi naliligo. Ngunit hindi na yun dapat pang marining ni Xantha. Baka lalong mag inarte ang babae na to.

"Kwento ako ng kwento sayo tungkol sa mga haliparot na yun tapos malalaman ko na ikaw pala yung napapabalitang babae nung huling dumating na Puntavega. Asan na po ang loyalty natin?" salubong nag kilay niyang turan. Minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang may galit siya sa mga Puntavega. Kahit minsan hindi ko pa siya nakitang malapit sa magpipinsan.


"Hindi nga ako yung babae niya. Isa ka din. So kailangan ko pang mag explain?" naiiling kong turan. Katulad ng dati ay naroroon kami sa palagi naming tinatambayang pwesto sa gilid ng quadrangle. Hindi naman mainit dahil pahapon na din. Tsaka sa sobrang lamig netong si Xantha sa akin, para na din akong giniginaw.


Biglang nagsalubong ang aking kilay. Nakayukyok na akong muli sa lamesa habang marahan siyang tinitignan, sinusuri ang kanyang reaksyon.


"Ako talaga nagdududa na ko sa makapal mong bangs Xantha e. Umamin ka nga, may iniiwasan ka sa magpipinsan? Ex? Kinabibitteran? Kase ang pait pait talaga, lasang lasa ko..." pang iinis ko sa kanya.

"Tigilan mo ko dyan sa kakaano mo Chaese ha. Bakit ko naman iiwasan yung mga yun. Sino ba sila?" Nanggagalaiti niyang turan. Muntik na kong mapatayo para sana iwasan ang pag amba niya na hahampasin ako ng bag ng may dalawang kamay na biglang pumulupot sa aking baywang ng bahagya akong tumayo.


"Careful..."

Parang biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan ng tumama ang kanyang hininga sa aking batok. Nakaipit pa naman ang aking buhok.

Napalingon ako sa kanyang gawi at pakiramdam ko nanghina ako ng magtama ang aming mga mata.


Nakita ko naman siya kanina ah?

Hindi ko alam kung bakit pero paulit ulit pumapasok sa isip ko yung paghalik niya sa noo ko kanina.

Napalunok ako bago napatingin sa kanyang mapupulang labi na parang mas mapula pa kaysa sa labi ko.

"Ang rupok rupok..." nadinig kong bulong ni Xantha.

"Taglandi sila, akala mo hindi magkasama kanina,"

"Pacool din to si Keso e,"

Napalingon ako agad sa kanila at bahagyang umusog palayo kay Chase. Napairap sakin si Xantha na akmang tatayo na pero mabilis na napigilan ni Aedree.

"Tatakas ka na naman..." pigil sa kanya ni Aedree habang hawak hawak ang kanyang bag kaya napaupo ulit si Xantha. Napakunot ang aking noo.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon