Baliw...
"Hunn, are you sure you are okay?" I lifted my gaze and my eyes caught Tita Monica's worried eyes. Napangiti ako bigla.
As always, Tita Monica never failed to make me feel important, that I am a part of this family. At kahit na malayo si mama sa akin dahil hinayaan niya akong makasama ang kapatid ko at si papa ay alam kong hindi naman ako napapabayaan o naaagrabyado.
I'm still damn lucky.
"Okay lang po ako Tita. Kaunting sipon at sakit ng ulo lang po ito. I can still manage," agad kong turan at mukhang nakahinga naman siya ng maluwag.
I saw how my father's eyes lasted on my direction. Parang tinatantsya niya kung nagsasabi ako ng totoo.
"There's no such thing as simple sickness. Kapag may nararamdaman ka, patignan na natin. Anong silbi ng mga healthcards niyo kung hindi niyo naman gagamitin," seryoso niyang turan at napalunok ako.
Minsan lang magsalita ang aking ama at nakakapanibago. Hindi ako sanay ng maraming tao ang nag aalala para sa akin.
Nagulat ako ng balingan niya ang aking kapatid.
"How's she at school?"
Napatingin din ako kay ate. Ano kayang sasabihin niya?
Alam kong alam niya ang nangyari nung isang araw. At sa totoo lang, nakakapanibago na minsan ay kinakausap niya din ako. Hindi direcho pero pinapansin niya ako kahit papaano kapag wala kami sa bahay.
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Wala naman siguro siyang sasabihin sa aming ama.
"She's doing good and she's acting like how someone with our surname should," she answered and that made me nervous even more.
Hindi ko tinataglay ang apelyido ng aking ama. Hindi ito naibigay sa akin ng aking ina kung kaya't wala ni isa mang magiisip na magkadugo kami.
Isa pa, halos langit siya kung ituring sa aming paaralan at ako ay isang hamak na transferee lang.
Nakita kong tumango ang aking ama at napangiti naman si Tita Monica.
"Are you hanging out with your sister? You must have met her friends. Family friends natin ang pamilya nila kaya nakakasiguro akong mabubuti silang tao. Hindi ka nila pababayaan o ituturing na iba sa kanila," Tita Monica stated at doon biglang nag angat ng tingin ang ate ko.
Nagtama agad ang aming paningin at hindi ko alam kung guni guni ko lang ba o sadyang napangiti siya ng makahulugan.
Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang ina kaya naman ipinagpatuloy ko na din ang pagkain ko.
Ganito dito sa bahay. Kailangan sabay sabay kami kumakain ng umagahan at hapunan. Nakakapanibago din dahil dati, bihira akong may makasabay.
Masyado din kaseng busy ang aking ina sa cafe.
Nang matapos kaming maghapunan ay kanya kanya na din silang panik sa kani-kanilang nga silid. Naisipan kong magpaiwan sa sala dala dala ang aking sketch pad.
A long sigh escaped my lips.
Ang bigat pa rin ng aking pakiramdam. Akala ko ay okay na. Kanina, binilhan ko si Chase ng icecream tsaka siya tinalikuran pero kitang kita ko kung paanong ibinigay niya lang kay Ulap at Lexo ang binili ko para sa kanya.
Ni hindi siya ngumiti.
Nagawa niya pang magpaalam paalis at iniwan ako kasama ng kapatid at mga pinsan niya.