16

4.3K 175 43
                                    

Selos...


"Ikaw ang magdadrive?!"Nanlaki ang mga mata ni Ate ng buksan ni Mattee and pintuan sa driver seat. Kulay silver ang kanyang kotse at sa totoo lang, wala akong alam kung anong uri ba ng sasakyan yun. Hindi naman kase ako talaga magaling sa mga sasakyan.

"Ayoko!"naeeakandalong sigaw niya pa na tinawanan lang ni Mattee.

"Dakota, you promised, okay?" sigaw ni Mattee at ako naman ay nakatunganga lang habang pinapanuod ang dalawa. Nakasimangot pa ako ng bahagya dahil kulang ako sa tulog.

Si Mattee ang walanghiya din talaga. Bigla na lang pumasok sa kwarto ko tsaka naglulundag sa kama para gisingin ako. Sinundo niya kami ni Ate para samahan siyang magshopping. Hindi ko alam kung pano niya nakumbinsi si Ate Dee pero ako, kahit anong tanggi ko, hindi niya pinakinggan. Nakita ko na lang ang sarili ko na halos pikit pa ang mga mata na nakasunod sa kanila.

Hindi kase ako mahilig magshopping.

Hindi ko na nasundan kung ano pa ang pinag usapan nila basta ang ending, kaming tatlo na sa loob ng kotse, si Mattee sa driver's seat, shot gun si ate tapos ako naman kunwari anak nila sa likod.

Sa sobrang antok ay humiga na lang ako bigla sa aking pwesto na ikinatawa naman ni Mattee.

Nababaliw na ang aga aga. Wala kaming pasok. May three days event sa school na magsisimula pa mamayang hapon. Akala ko pa naman makakapagpahinga ako.

"Subukan mo talaga akong pagbitbitin ng mga pinamili mo Matilda, masasabunutan talaga kita," Bulong ni ate Dee at ikinabungisngis naman ng huli.

"As if. Baka masunog yung mall pero ikaw hindi ka magbibitbit ng kahit anong shopping bag, kahit pa sayo yun,"

"Bakit kase hindi yung mga batang mental ang dinala mo ng mapakinabangan naman ang energy ng mga yun?"

Si Ulap at Lexo yata yung sinasabi nila. Yung dalawa lang naman ang palaging tinatawag ng ganoon ni ate. Yung dalawa naman nasanay na.

"Tulog pa. Nag inuman yata kagabi yung pitong kumag. Si Grey kase, ayaw na namang lumabas," bigla niyang turan. Natahimik naman din si ate sa sinabi niya. Ganoon naman, kapag tungkol kay Grey, hindi na sila kumikibo. Iniisip ko nga minsna kung bakit pero nung minsang itanong ko kay Chase ang tungkol sa kanya, bigla na lang siyang nahing tahimil, hindi ko na inulit.

I pulled out my phone out of my backpocket at kahit na nakahiga pa din ay nagsimula ng mag type. Uunahan ko na si Keso dahil baka pasabugin na naman ako ng tawag.

Iniangat ko pa ng bahagya ang aking paa sa bandang salamin ng bintana. Hindi kase ako nagsapatos at nagsuot lng ng flat na sandals tsaka nagshorts lang ako habang ang sobrang luwag kong black shirt ay itinuck ko sa harap ng shorts ko. Ang aking buhok ay nakalugay lang. May baon naman akong cap. Ibang iba sa suot ng dalawa na nakaporma.

Si Mattee ay nakasuot ng high-waist na pants at fitted sleeveless crop top na puti na pinartneran niya ng high heels samantalang si Ate Dee ay naka peach na dress. Nakabun ang kanyang buhok. Contrasting ang make up nila. Kung gaano katapang ang kay Matte ay siya namang kaelegante ng sa kapatid ko. Samantalang ako ay nakasimpleng pulbo at liptint lamang.

Nagmessage ako kay Chase at sinabing magsashopping kami nila Mattee. Mahirap na. Napakalakas din ng kalokohan ng tao na iyon. Nagagalit kapag hindi ko siya sinasabihan kung nasaan ako.

Four months,  ganito na katagal at nasanay  na din ako na inangkin na lang niya ko bigla bilang nobya niya. Hindi na ko tumututol dahil napagod na din ako. Isa pa, hindi din naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Hinahatid niya ako at sinusundo. Minsan lumalabas kami para daw magdate.  At ang alam ng lahat ay kami talaga. Kahit sa school ay kalat na din yun. Hindi na namin pinag usapan basta sa lahat ay kami na.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon