3

8.6K 300 164
                                    

Cry

"Hoy! Bakit ka kinakausap nila Ulap?" napataas ako ng kilay ng may biglang humarang na tatlong babae sa lalakaran ko. Papunta na ako sa susunod kong klase at medyo malelate na din.

Humakbang ako pakaliwa para sana iwasan sila ngunit humakbang din sila upang harangan ako.

"Please, may klase ako," magalang kong sagot sa kanila bago sinubukang muling humakbang pero hinarangan ulit nila ang dadaanan ko.

Napapikit ako saglit habang pinipigilan ang inis na unti unti ng sumasakop sa kalmado kong imahe.

Chaese, huwag kang papatol. Hinga ng malalmim.

I gritted my teeth to try to calm myself.

Medyo mainit na kase ang ulo ko kanina pa. Simula kaninang umaga, wala na yatang tamang nangyari sa araw ko. At iyon ang hindi ako sanay.

Chaese Oliveros is calm and collected. Kahit siguro biglang lumindol, hindi ako agad magpapanic. But transfering to this school tests my patience. Meeting that family is something I don't consider as good for my sake. Tapos ay mahaharang pa ako ng mga tagahanga nila.

Sa naisip ay bigla ko ring naalala ang kapatid ni Chase na si Cloud. Nakasalubong ko kasi ito kanina sa hallway. Imbes na lalampasan ko na lang sana, huminto talaga siya sa harap ko at itinaas ang kamay para mag apir daw kami. Dahil lamang sa simpleng bagay na iyon ay mabilis na rin na kumalat ang tungkol doon.

Sino daw ako at bakit daw ako kinakausap ng mga Puntavega?

Kaninang umaga ko lang napatunayan kung gaano kalala ang pagkasikat ng mga ito. Meron kase akong katabi sa isa kong klase, si Xantha. Nerd ang datingan pero hindi yung tipong may braces, nakabangs at may malaking salamin. Pero nakaipit palagi ang buhok niya pataas. Hindi din siya mahilig maglagay ng kung ano anong kolorete sa mukha.

Siya lang ang nakakausap ko madalas dahil may apat na units kaming magkatulad. Tatlong araw pa lang ng makilala ko ang kalahati ng mga Puntavega.

It turns out that their family are rich. Well, hindi naman ako nagtataka kase nahalata ko naman din agad nung una.

Sa tatlong araw na lumipas, madami na din akong nalaman tungkol sa mga ito. Magkakapatid at magpipinsan daw ang pito.

Sina Chase, Cloud at Milan Rain ay magkakapatid. Hindi ko din agad nahalata nung una kase ang weird naman makipag usap ni Ulap kay Milan non. Walang katakot takot. Akala mo siya yung kuya. Kaya din pala siya tinawag na Ulan ni Julio. 

Si Ice naman na nakita ko kahapon dahil meron pala kaming isang klase na pareho ay mayroon ding dalawang kapatid,  si Alexo na bunso at ang kuya Aedree nila na graduating na. 


Si Julio, may kapatid daw na babae pero fourth year hayskul pa lang. Pero sikat din daw yun dito dahil kilalang play girl.

Si Dakota, na mas kilala sa school bilang Dee. hindi niya daw alam kung sino ang nobyo sa kanila. Eversince naman daw kase magkakasama na yung mga ito. Kababata yata, at hindi lang siya. Meron pa silang kababatang babae na nag aaral naman sa ibang paaralan - Si Mattee. Ang sabi ni Xantha, sa public school daw pero hindi siya sigurado. Hindi naman daw nagagawi dito yun, bali-balita lang. Yung mga Puntavega daw ang dumadayo sa eskwelahan ni Mattee.

Wala naman sana akong planong alamin ang tungkol sa kanila pero sabi ni Xantha, mainam na daw na alamin ko dahil halos sa kanila umiikot ang buhay ng mga estudyante dito. Para daw alam ko kung kanino dapat umiwas.

Pansin ko lang, parang ilag si Xantha sa mga lalaki.

Natanong ko din sa kanya si Lantis pero napakunot lang siya ng noo sakin. Sino daw Lantis.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon