39

4.1K 172 158
                                    

Kalabog....


"Can't sleep?"

Napalingon ako ng marinig ang boses ni Cinco.

Xantha was too drunk that they reallt had to stay in the house. May sa baliw din naman kase ang kapatid ko, dumapot din ng inumin sa ref. Ayun, nagpakalango silang dalawa ni Xantha sa veranda.

Magkadugtong kase ang balcony ng kwarto ko at ni ate kaya malawag iyon. Tumatawid ito hanggang sa dalawang guest room kaya medyo mahaba habang ang kila mama ay nasa kabilang parte ng kabahayan.

Cinco took the guest room. Ayaw niya pa sana pero nagpumilit na ako. Isa pa ay nakita din sila ni Tita kanina nang bumaba ito para kumuha ng tubig.

Natuwa pa nga ito dahil ang cute daw ni Xantha. Pulang pula ang mukha at panay ang hagikgik.

Nang malasing ang dalawa ay parang mga lantang gulay na nahiga ang dalawa na magkatabi sa kama ko. Okay lang naman dahil kasya kami pero hindi talaga ako makatulog kung kaya't naisipan kong magtungo sa veranda.

Mula dito ay kitang kita ko ang kalsada sa harap maging ang mga puno na nakapalibot sa buong subdivision. Napakatahimik,  payapa, taliwas na taliwas sa estado ngayon ng puso ko.

"Are you thinking about him?" napalingon ako muli ng marinig ko siyang magsalita. Tulad ko ay namamahinga ang kanyang mga kamay sa riles ng aming veranda, his eyes focused on the serene view before us.

"Yes..." hindi napigilang turan. I wasn't sure if it was because he already knew kaya ang bilis kong umamin, o dahil sa maikling sandali na nangkakilala kami ay gumaan na din ang loob ko sa kanya tulad ng nararamdaman ko sa mga Puntavega, kahit pa nga napakasungit niya.

Hindi siya sumagot, bagay na ikinatuwa ako. Kahit na wala siyang sinasabi ay nararamdaman ko na nirerespeto niya ang katahimikang gustong gusto ko.

Napaangat ang aking tingin sa madilim na kalangitan. Ang mga bituin na nakasabog sa itaas ay nagbibigay ilaw sa madilim naming kapaligiran.

"The stars, he told me he'd catch them for me..." sambit ko, isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking labi. "Bakit ganoon kayo? Nangangako ng walang hanggan pero sa isang iglap, iiwan niyo na lang ng parang walang nangyari. Ganoon lang ba kadali isawalang bahala lahat nang pinagsamahan niyo?" tanong ko. Alam kong hindi siya si Chase pero hindi ko mapigilang maglabas ng hinanakit.

Hindi siya kumibo kaya ako nagpatuloy.

"Akala ko dati magiging handa ako sa ganito... Yung wala lang kahit bigla na lang mawala..."

Nadinig ko siyang bumuntong hininga, ang aking luha na kanina ko pa pilit na pinipigilan ay naglalandas na muli sa aking pinsgi.

"Ayaw kitang maging kaibigan. Iyakin ka. Dagdag sakit sa ulo tulad ni Xantha," ismid niya pero naramdaman ko din naman ang isa niyang kamay na hinahagod ang aking likuran para ako ay kumalma.

"Tssss," I heard him hiss, malayo ang tingin at tila nagpapanggap na walang nangyayari.

Tahimik pa din ang paligid, tanging ang maya't maya na pag singhot ko lang ang madidinig.

Hindi naman nagtagal ay kumalma na din ako. Tumigil na ako sa pag iyak at tinanggap ang panyong iniabot niya sa akin.

Natawa ako ng marahan.

"Feeling ko mag bestfriend na tayo. Hindi ko na ibabalik tong panyo mo ha?" sabi ko tsaka biglang lumingon sa gawi niya.

Napatingin na din siya sa akin, ang mga kilay ay magkasalubong at bahagyang nakasimangot. Take note, palagi siyang nakasimangot.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon