Ipinaglihi...
My eyes squinted at the sight of the boys having fun on the beach.
Pangalawang araw na namin dito. Three days lang talaga kami pero parang kagabi gusto yata ni Mattee na dumaan pa ng Enchanted Kingdom. Si Milan nga parang nairita pa. Ayaw yata niya ng rides e.
Napangiwi ako sa lakas ng naging tili ni Milan. Ang lakas ng halakhak niya. Parang nakakahawa. Sabi ni Grey, ganito daw talaga yung normal na ugali ni Milan masayahin. Hindi ko nga alam kung bakit palaging mainit ang ulo niya nitong mga nakaraan. Lalo na kapag kasama ang kapatid ko.
"Lexo, Lexo!" sigaw ni Ulap. "Habuuuliinnn mo koooo..." napangiti ako ng magtatakbo na akala mo babae si Ulap. Si Lexong hayop, patol din. Hindi lang siya, pati si Aedree hinabol siya.
Mga luko luko.
Si Julio busy naman gumawa ng sand castle. Nakakatawa lang kase siya lang din ang nakakasira tapos bubuuin niya ulit. Sa tapat niya naman ay si Xantha na para ring nasisiraan dahil kung ano ano ang binubuo. Baka pati utak niya doon na din niya buoin. Kanina pa yan wala sa sarili e. Actually kagabi pa yata.
Si Mattee naman nakahiga sa buhanginan, tinatabunan ng kapatid ko ng buhangin. Ang kukulit. Samantalang ako ay kuntento ng nakaupo dito sa labas ng isang tent habang pinapanuod sila. Mukha naman silang nag eenjoy.
Si Ice, ayun, yung kalahating katawan naka pasok sa loob ng tent. Pupusta ko tulog yun. Milagro nga at kinausap ako kagabi.
Napabuntong hininga ako ng makita si Chase. Nakaupo siya sa buhanginan, nakaextend ang mga paa habang ang mga kamay ay nakaangkla sa likuran. Akala mo may pictorial ang hayop. Na literal din naman dahil may mga babae naman na hindi na din palihim kung kuhanan sila ng litrato. Kanina nga may tumili pa ng aksidenteng maiangat ni Ulap yung t-shirt ni Lexo. Hayop na bata yun, may abs. Muntik na din akong maglaway. Kung hindi ko lang napansin ang masamang tingin sakin ni Chase e.
Mabuti na lang din at hindi naman nila pinapansin yung mga babae. Alam ko na sinabi ko kay Chase na okay lang pero napakagaga ko naman kung maski sa sarili ko ay hindi ko maamin na nasasaktan ako.
"Hoy,"
"Ay butiki," napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Napaangat ako ng tingin ng lumitaw sa gilid ko ang kambal ni Lexo.
"Grey?" tanong ko. Medyo nag alangan pa ako kase hindi naman siya nakangiti tapos medyo natakpan ng konti yung gilid ng mukha niya. Si Grey ba to o si Lantis?
Napangiti ako ng mapansin ang suot niya. Naka one-piece na swimsuit siya na kulay light blue. Pero may suot din siyang white na shorts. Very Grey. Mabuti na lang din at walang pakialam si Lantis sa mga suot ni Hrey kaya kahit nagtetake over ito ay walang nagiging problema.
Ang ganda ganda ng katawan niya.
Sila Mattee din at ate, naka two piece naman. Pula ang kay Mattee samantalang beige sa kapatid ko. They look so confident showing off their bodies. Sabagay, may karapatan naman sila. Nakita ko pa na pareho silang may abs. Ayun, ang dami dun tuloy na napapatingin na lalaki sa kanila. Kahit si Xantha ay naka floral na one piece din pero may see-through siyang suot.
Ako, naka rash guard ako kanina pero pinabalik ako ni ate. Hahatawin niya daw ako kapag hindi ko sinuot yung binili nilang swimsuit ni Mattee para sakin. Gusto ko sanang tumangi kase hindi kaya ng puso ko. Itim na two piece kase yun. Sobrang revealing. Pakiramdam ko wala na akong suot. Mabuti na lang at pumayag sila na magsuot man lang ako ng malaking tshirt habang hindi ako naliligo kaya hita ko lang ang nakikita. Pero ang nipis nung damit na nadampot ko. Nakakailang pa din.