Okay ka lang?
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa akin bago ko nagawang lumingon sa kung sinuman ang nagsalita. Hanggang sa magtama ang aming mga mata ni Aedree, ang kuya nila Lexo.
Ngumiti siya sa akin at umupo sa aking tabi.
He looked so exhausted. Katulad nilang lahat. Sa may kabila ay kitang kita ko pa si Ice na natutulog sa isang malaking sofa.
This was my first time coming here. Sabi nila ancestral house daw ito ng mga Puntavega at dito nakatira ang magpipinsan.
Nagdesisyon daw ang mga ito na pagsamasamahin na sila since madalas naman daw wala sa bansa ang kanilang mga magulang.
Kahit ang kapatid na babae ni Julio na si Juliene ay nakilala ko na din kanina.
Kung malaki ang bahay namin, masasabi kong magmumukha pala kaming mahirap sa sobrang laki ng bahay nila.
Sa garage pa lang nila, malulula ka na. Pito silang lahat na may kotse, kadamay pa ang kay Grey na si Aedree daw ang madalas na gumagamit. At the side of their house was a big pool na napapalibutan ng mga halaman sa bandang dulo.
Their house screams wealth and power. Mamahalin ang mga muwebles at napakaraming painting na nakasabit sa palagid.
Nakakatuwa dahil kahit halata namang mayaman sila, kahit kailan ay hindi ko sila nadinig na ipinagmayabang iyon. Bukod sa kotse ay ang simple lang nilang tignan kahit pa nga mahahalata mo sa kanilang nga suot na puro branded naman.
Si Lexo at Ulap nga ay kulang na lang ay pumasok bilang crew sa cafe namin. Wala silang kaarte arte sa katawan.
"Eto o, para kumalma ka kahit konti," Aedree smiled at me before handing me over a cup of hot choco. Tinanggap ko naman agad yun. Sa sobrang dami ng nangyari kanina, baka kahit anong iabot nila sa akin ay maiinom ko talaga.
Napatingin ako sa tasang nasa kamay ko.
Pagdating namin sa cafe ay halos liparin na ni Chase ang papasok sa loob. Ni hindi niya na ako nakuhang pagbuksan ng pinto.
Mabilis din naman akong nakasunod sa kanya at halos mapanganga ako ng makita kung paano sinusubukang awatin ni Julio at Mattee si Lantis na ayaw yatang bitawan ang buhok ni Ulap.
Ang aking ina ay nasa gilid at mukhang naguguluhan sa mga nangyayari. Pero nakahinga ako ng maluwag dahil kasama niya si Ate Dee.
Si Ulap lang naman ang sobrang ingay. Si Lantis, hindi ko maipaliwanag. Hawak niya yung buhok ni Ulap pero para siyang tulala. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o mag aalala dahil parang may mali.
May mali.
The moment Chase saw them, he runs straight to Lantis and pulled her for a hug. Hindi din agad binitawan ni Lantis ang buhok ni Ulap pero si Chase, patuloy pa din siyang niyayakap. Pakiramdam ko ay may biglang hinalukay sa loob ng aking tiyan ngunit ipinasawalang bahala ko na lamang. He was whispering her something and I saw it, how it was like a magic. He was able to slowly calm her down.
Obvious naman na Lantis was still out of it ng buhatin siya ni Keso papunta sa sasakyan and the entire time, hawak niya ang kamay ko sa front seat habang natutulog si Lantis sa likod.
Ayaw ko man ngunit nakaramdam na naman ako ng kirot na akala mo pinipiga ako sa loob. Lalo akong kinabahan. Para kaseng nangyari na to dati e. Ang kaibahan lang, si Lantis to.
Sa tagal naming magkakasama, hindi ko naman nakitaan ng kahit anong kakaiba si Lantis at Chase. Mas madalas pa ngang sungitan ni Keso si Lantis at hindi ko din alam kung bakit. Basta ang alam ko, sumusunod si Lantis sa mga sinasabi ni Keso.