Okay lang...
Napaangat ako ng tingin ng may biglang umupo sa aking harapan. Hindi ko napigilang magtaas bahagya ng kilay ng makita ang pawisang imahe ni Ulap. Palinga linga siya sa palaigid na tila ba may iniiwasan.
Tong lalaking to. Ang init init pero nakabalot ng hoodie ang katawan. Napapraning na naman.
"May tinatakasan kang babae no?" tanong ko na ikinalaki agad ng kanyang mata. I love how expressive his face is. Ganoon si Ulap. Hindi maitago sa mukha ang nararamdaman. Sobrang transparent. Hindi katulad ng kambal niya na minsan ay hinuhulaan ko pa kung galit ba o ano.
"Bakit mo alam?" tinakpan niya pa ang kanyang bibig. Sobrang drama. Akala mo talaga artista.
He lifted his hoodie to hide his face. Natawa ako ng marahan.
"Nakabuntis ka?"
Napangisi ako ng umawang ang kanyang mga labi. Kyuti din talaga ang mga expression netong si Ulap e. Nakakapanggigil.
"Ang bastos ng bibig mo Andeng. Kadiri ka. Virgin pa ko no!" natakpan niya pa ang kanyang dibdib na parang naeeskandalo sa sinabi ko.
Yung part na virgin, hindi ko sigurado. Ang dami Kaden g babaeng nagkakandarapa dito sa lalaking to. Pero alam kong may pagkaisip bata silang dalawa ni Lexo kaya hindi malabo.
Napailing ako bago ibinaba ang aking tingin mula sa kanya pabalik sa aking sketchpad.
Lately, palagi na lang nawawala tong si Ulap. Parang may tinataguan. Ayaw kong tanungin dahil hindi naman ako palatanong. At dahil may sa kabute na din ngayon si Lexo, nakakapanibago na makita ang isa sa kanila ngayon.
Malapit na din naman ang sembreak. Busy yung mga nakakatanda dahil ang daming requirements. Kaya halos bihira kaming magsama sama nitong mga nakaraang araw.
Napausod ako ng bahagya ng biglang tumayo si Ulap at tumabi sakin. Bigla niya pa akong inakbayan.
"Huy..." gulat kong turan. Nakayuko lang siya. Nakakapagduda. Hindi touchy sa mga babae si Ulap maliban kay Mattee na parang ate kung ituring niya. Si Ate Dakota kase ang hilig mambatok kaya tinataguan ng dalawa.
"Huwag ka munang maingay Andeng. May babaeng baliw," lalo siyang sumiksik sa akin. Halatang kinakabah an.
Alam kong gwapo si Ulap. Pero mabuti na lang at hindi ako madaling kiligin basta basta. Sa sobrang bango niya kung ibang babae siguro ako ay hindi ko na siya pinakawalan. Para ko na din kase siyang kapatid.
"Sino ba kase ang tinataguan mo?" sinubukan kong lumingon pero pinigilan niya ko.
Agad na nalukot ang gwapo niyang mukha.
"Nakakainis kang babae ka. Alis na nga lang ako. Ipapahamak mo pa ko e," bigla siyang tumayo pero nakayuko pa din. Para lang siyang tanga. Ang laki niya kayang tao. Tsaka kahit sino naman mahahalata kung sino siya. Kapansin pansin siya masyado. Isa pa, isa siyang Puntavega. They standout wherever they go.
Nakatayo na siya ng bigla siyang lumingon muli sa akin.
"Hoy babae, wag mo palang ikukwento sa kambal ko o sa ate mong bayolente na inakbayan kita ha? Baka malagot pa ko" mahina niya lang sinabi yung huli pero nadinig ko pa din. Gusto ko sanang itanong kung bakit pero nagmamadali na siyang tumakbo. Napalingon pa ako ng bahagya ng may madinig akong babaeng sumisigaw.
Ano na naman kaya ang ginawa ng kambal ni Keso?
Kalaunan ay ibinalik ko na lamang ang aking atensyon sa aking ginagawa.