15

5K 193 86
                                    

Dito lang...

"Chaese..."

"Ay butiki!" napasigaw ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Katatapos lang ng hulinkong klase at isa ako sa huling lumabas dahil ayaw ko ng nakikipagsiksikan.

Napahinga ako ng maluwag ng tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ng kuya ni Keso na si Milan.

Tinignan niya ako ng masama na nagpa atras sa akin ng bahagya.

"Mukha ba akong butiki sa paningin mo Chaese?" tanong niya na ikinangisi ko lang.

"Sorry..." bulong ko at nag peace sign pa sa kanya habang yakap yakap sa aking dibdib ang mga libro.

Napaangat ako ng kilay ng ilahad niya ang kanyang mga kamay. "Ha?"

"Libro mo. Ano ba, hindi ka ba tinatrato ng maayos ng kapatid ko at hindi ka sanay ng may nagbibitbit ng mga gamit mo?" nakasimangot niyang turan. "Puro harot lang din kase ang alam noon. Akina yan Andrea at sumasakit na ang batok ko kakasapok niyang ate mo,"

Natawa ako sa sinabi niya bago iniabot ang aking mga gamit. Napansin ko palagi silang magkaaway ni ate pero sila lang din ang magkasama. O kaya ay si Julio.

"Hindi naman kase kailangang bitbitin ang mga gamit ko. Magaan naman," sagot ko at sumunod na sa kanya ng mag umpisa siyang maglakad.

"Saan pala tayo pupunta at bakit mo ko sinundo?"

Nilingon niya muna ako bago hinugot ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Mula sa aking gilid ay pinasadahan ko siya ng tingin.

He's wearing a white dress shirt with a Chino walk shorts paired with a loafers.
Ang casual lang pero buhat na buhat. And of course, sinusundan na naman siya ng tingin ng mga estudyante na ang iba ay masama na naman ang tingin sa akin. Nasanay naman na ako.

Simula ng mapalapit ako sa kanila ay nakasanayan ko na din na itinatrato nila ako na katulad ng kay Ate Dee.

Kahit anong tutol ko din kase ay hindi sila nagpapaawat. Ganito ata talaga silang mga Puntavega. Palaging nasusunod ang gusto. Maliban kay ate na para ding batas ang mga salita. Nakakatakot. Halos pareho sila ng personality ni Mattee e.

Araw araw ay sinusundo ako ng isa sa magpipinsan. Pero mas madalas ay si Chase. Simula ng nagpunta kami sa Mall at binilhan niya ako ng mga art materials ay binawasan ko na ang pagsusungit sa kanya. Nakakahiya din kase. Ang mahal ng binayaran niya kahit sabi ko kaya ko naman. Binigyan naman ako ng card ni Papa.

"Sa resto, nandon sila maliban sa lalaki mo at kay Ice. May inaasikaso lang saglit kaya sa akin ka na din pinasundo. Pero susunod din yun. Malandi e, hindi papaawat," pag ismid niya na ikinapula ng aking pisngi.

May restaurant sila Mattee. Kung sa loob ng paaralan ay may lugar silang tinatambayan, sa labas naman ay madalas silang nasa Rkive o kaya sa testaurant nila Mattee.

Kapag linggo naman ay bigla dilang sumusulpot sa cafe ni Mama dahil nakagawian ko ng tumulong doon tuwing linggo. Ayos lang din naman kay mama dahil mas dumadami ang mga tao. Tapos si Lexo at Ulap feel na feel din ang pagihing barista at server. Hindi alam na gusto na silang walanghiyain ng mga babae doon.


"Hindi naman e," tanggi ko. Tinaasan niya ako ng kilay ng lumingon sa aking gawi. Muntik pa kong matapilok.

"Isa ka din, ang rupok rupok. Malapit ko na talaga kayong batukan ng katukayo mo e. Tapos si Ulap at Lexo malapit ko ng ipasok sa Mental,"

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon