30

4K 169 46
                                    

Matibay...


"Ma naman e," nagpapapadyak ako sa harapan ng aking iina na panay lang ang tawa habang nakahiga sa kama.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o sasabog ako sa sobrang inis.

Nag alala ako ng sobra. Habang nasa daan ay panay lang ako iyak. Nabasa na nga yung tshirt na suot ni Chase dahil sakin.

Si Grey umiyak din kaya tuloy hindi makapagfocus yung kuya niya sa pagmamaneho. Si Ulap, tahimik lang sa harap na ipinagpasalamat ko kase kung umandar na naman siguro ang kalusawan ng utak ng lalaking to ay baka masipa ko na siya palabas ng sasakyan. Si Xantha ay tahimik lang din.


Dumiretso kaming lahat sa ospital nang malaman namin ang balita.

My mom collapsed due to overwork. Mabuti na lamang at sa cafe ito nangyari kaya naisugod agad siya sa ospital ng aming mga tauhan. Kung nagkataon na nasa bahay siya ay wala man lang makakaalam.

Naiiyak ako na umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harap.

"Nakakainis ka talaga ma..." ungot ko na panay pa din ang pahid ng luha.

Ang aking ama ay nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo habang si Tita Monica naman ay nakatayo at yakap yakap ang aking kapatid. Even Mattee was hugging Tita Monica. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil napansin kong tinutulak ni ate si Mattee palayo sa mama niya. Tawang tawa naman si Mattee.

"Ma naman e, naiinis na ko sayo, tawa ka pa ng tawa dyan. Hindi nakakatuwa ma ha," ungot ko at nadinig ko pa na nagtatawanan ang mga Puntavega sa isang sulok. Napatingin ako sa kanila ng masama.

Si Ice at Chase ay tumigil sa pagtawa samantalang si Ulap at Lexo, kulang na lang ay bumulagta kakahalakhak.

Mga abnormal talaga. Hindi ko din alam kung paano ko sila natitiis.

"Hindi kayo titigil?" naiinis kong turan. Ang sarap pag tatadyakan ng mga to.

Napayuko pa sila Ulap at lexo samantalang ang mga kuya nila ay parang naiilang na.

"Sorry Andeng, nakakatawa talaga. Ang pangit mo palang umiyak,"

Sa sobrang inis ay naibalibag ko ang isa kong tsinelas sa gawi ni Ulap.

Sapol.


"Aray ko naman," angil nito. Tinamaan ko kase siya sa braso na agad kong binelatan ng tinignan niya ako ng masama. Bumaling agad si Ulap sa aking ina. "Tita o, si Andrea nananakit. Magkapatid talaga kayo ni Dakota e," binalingan niya si Tita Monica. "Tita palagi din kaming pinipisikal ni Dee," sumbong agad nito.

Wala man lang naging reaksyon ang aking kapatid. Katulad ng dati para pa din siyang bato.

"O tapos Ulap? Gusto mo bang ikwento ko sa mama mo yung nakita ko last week?" walang kaemo emosyon niyang turan. Pero si Ulap, nanlaki agad ang mga mata.

"Hala Kuya, may ginawa ka?" sagot ni Grey. Nasa isang couch siya kasama ni Xantha na bukas sa mukha ang pagkalito sa mga nangyayari. Kakausapin ko na lang siya sa susunod.


"Daldalera ka talagang babae ka,"

"Huwag ka na ngang maingay dyan Ulap. Mayayari ka talaga," nadinig kong turan ni Milan.

"Chase bakit ganyan ang girlfriend mo, mapanakit,"

"Pangit ka daw kase Ulap," singit ni Julio.


CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon