Buhok...
"Kapag sumabit yang leeg mo sa pinto, isasabit ko talaga yang ulo mo labas. Ilalagay ko "Malandi, huwag tutularan", napaismid ako ng bahagya pang umirap si Nixie dahil saking tinuran.
"Tumabi ka nga ng konti," ungot niya bago ako hinawi pakanan.
Punyeta na to.
"Bakit hindi ka kaya umuwi at tumambay dun sa computer shop niyo? Nakakasikip ka dito sa counter, wala ka namang ganap. Dagdag ka pa sa nakakaagaw sa oxygen dito sa loob," inis kong bulong na hindi naman din niya pinansin. Papaano ay sobrang focus ang mata niya kay Lexo na kanina pa takot na takot lumapit dito sa counter dahil akala mo lulundagin talaga ng makati kong pinsan. Nakakaawa tuloy. Gusto pa naman nun nagfifeeling waiter, sila ni Ulap.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Kanina pa ko nandito sa cafe matapos akong sunduin ng Keso na yan.
Kung alam ko lang na ganito lang ang mangyayari sa tuwing nandito silang magpipinsan, hindi na lang sana ako pumayag na dito sila tumambay.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Sobrang dami ng tao sa loob. Mga estudyante na nagtetake ng special classes. Yung iba, mga tambay lang na ang tatalas ng pang amoy. Akalain mo, bakasyon pero akala mo nakatap sila sa cctv ng cafe dahil pagkadating pa lang ng magpipinsan ay ambibilis nilang nagsulputan.
Babae, lalaki, pati yung mga wala pang cleavage, walang pinipili. Alam ko naman na medyo sikat din talaga ang mga Puntavega. Kahit si ate at Mattee ay medyo kilala din.
"Miss, pwede po parefill ulit ng tubig?"
Napalingon ako ng may madinig akong medyo matinis na boses. Sa kanyang tindig at ayos, halata mo na freshman pa lang. Kung pwede ko lang tirisin tong bata na to, kanina ko pa ginawa.
Actually, kung pwede ko lang itaboy ang ibang mga tambay dito sa loob, ginawa ko na.
Ang dami kase nila masyado e yung iba naman hindi umorder. Yung iba, isang oras na mahigit naubos yung inorder pero ayaw magsilabasan. Hindi mo alam kung nakiki-aircon lang o talagang ninanamnam yung pagmumukha nung magpipinsan.
Isa pa tong si Nixie. Ang bilis pumunta dito e samantalang ayaw niya nga dito tumatambay. Tapos kung makatuwad dito akala mo din maputi ang kuyukot ng gaga.
Matapos kong iabot ang tubig sa bata ay napabaling ako sa direksyon ng magpipinsan.
Andun na naman sila sa dulo. Yun yung pinakamalaki ang pwesto e. Kasya kami lahat. Isa pa, para ng naging personal space namin yun sa tuwing nandirito kami.
Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Chase na agad ko din naman iniiwas dahil naiinis talaga ako. Pagkatapos niya kong landi-landiin sa kwarto kanina, may pangiti ngiti na siya ngayon sa mga customer namin. Lumilitaw din ang tinatagong landi.
Akala ko ba sabi niya sakin hindi siya mahilig sa babae? E yung pisngi nga niya ngayon parang mapupunit na sa sobrang banat e.
Akala ko ba wala kang pakialam?
Napaismid ako bago nagdadabog na pumasok sa kusina. Wala si Mama. Sinundo siya kanina nila Tita Monica para daw sa follow-up check up. Ibang klase din sila e. Hindi ba awkward sa kanilang tatlo yung set up na ganun? Ako kase nag uumpisa ng mailang.
"Haba ng nguso natin ah. Selos ka no? Daming may type sa boyfriend mo," napairap ako sa pang aasar ng pinsan ko. Nagpupunas siya ng mga baso. Ang walanghiya, nakasando lang kaya kitang kita ang mga muscle sa braso.
"Hindi no. Naiinis lang ako kase ang dami tao pero hindi naman sila bumibili. Sayang yung lamig ng aircon," nagkibit ako ng balikat.
Tsaka bakit naman kase ako magseselos? Sabi ko nga kay Chase dati pa na okay lang. Okay lang sakin.
Napaigtad ako ng parang may malakas na pitik sa loob ng dibdib ko. Parang kumikirot. May sakit siguro ako.
O baka naman kase masakit lang.
Natawa naman siya ng bahagya.
"Kelan ka pa naging concern sa mga ganyan? Dati naman hindi mo pinapansin ang mga ganyang bagay ah? Epekto ba yan ng hangin sa eskuwelahan mo?" pang iinis niya pa.
Agad akong nagtaas ng kilay.
"Ano, feeling mo ba polusyon lang ang nalalanghap ko? Ilang oras lang ang layo ng cafe sa school. Akala mo sa ibang planeta ako galing. Sipain kita dyan e,"
Napapikit ako ng iniabot niya ang kanyang kamay at bahagyang ginulo ang aking buhok.
"Dalaga ka na nga Chesa, nagtataray ka na ngayon," sambit niya bago pakawalan ang malulutong na halakhak. Napasimangot ako agad at pinagpapalo ang kanyang kamay.
"Yung buhok ko naman, ano-"
"Mukhang nakakaistorbo yata ako sa inyo ah,"
Napalingon ako sa gawing pinto ng madinig ang boses ni Chaese. Taliwas sa huling ekspresyon suot ng kanyang mukha kanina ay magkasalubong na ang kanyang kilay at seryosong seryoso.
Problema neto?
Titig na titig siya sa akin at nadinig ko pa ang pagtawa ni Denis nga alisin niya ang kanyang kamay sa mula sa taas ng aking uluhan.
"Kailangan mo pala ng gugulo dyan sa buhok mo de sana dumirecho ka sakin. Ipapagulo ko yan kay Ulap," naiinis na turan niya bago kami tinalikuran.
"Problema niya sa buhok ko?" bulong ko na ikinatawa ulit ng aking pinsan.
"Girls..." pailing iling pa siya.
"Huh?" taka kong tanong. May ginawa ba akong mali?
"Lumabas ka na dun agad at puntahan mo yung boyfriend. Baka mamaya buhok ko naman ang guluhin noon. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko pero pag naalibadbaran ako sa inyo baka agawan na lang din kita,"
Agad nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tinuran.
"Bwisit ka talaga!" hinampas ko muna siya sa braso bago ako ulit lumabas.
Pagbukas ko ng pinto ay muntik na kong mapatili ng kamuntikan na kong tumama sa dibdib ni Chase.
Natakpan ko ang aking bibig sa gulat. Nagsalubong lalo ang kanyang kilay. Parang gusto ko na ngang plantsahin ang mukha niya sa sobrnag gusot e.
"Tagal lumabas ah. Ano, nag enjoy ka?" pagsusungit niya. I pouted immediately.
"Bakit ka ba nagagalit?" takang tanong ko.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking pulsuhan at hinila ako palabas ng counter.
"Teka lang, saan tayo pupunta?"
"Sa bahay, guguluhin ko yabg buhok mo," sagot niya na ikinasinghap ni Ulap na nadaanan namin.
"Hala kuya, si Keso o, guguluhin daw buhok ni Andeng. Pwede ba ko sumali?" sigaw ni Ulap sa Kuya Milan niya.
Napalingon ako ng hatakin ni Mattee sa tengga si Ulap pero mas lalo akong nagulat sa sinagot niya sa huli.
"Ano, magjowa ka din para guluhin mo din ang buhok niya sa kama,"
Kama?
Bakit sa kama? May ganon bang laro?
-----Ano na mga bes. Magpiprint ako ng mga tshirt. Order kayo? Ahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/174154286-288-k590363.jpg)