Trigger...
"Chase naman..." bulong ko. Paos na ang aking tinig dahil sa kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Tama na please..." naidaing ko sa kanya habang pilit kong iniaalis ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking katawan.
Nang pumasok kami sa loob at umiyak siya sa aking harapan ay hindi na din ako nakapagsalita. Para aking nanghina at ang lakas at tapang na naipon ko sa aking sarili simula kaninang umaga ay parang papel na nilipad na lamang ng hangin.
Dati ay wala akong kaalam alam ngunit ngayon, sang malaking sampal sa akin na basta kay Chase, nauubos ako.
Ang sakit sakit sa loob ko na nahihirapan siya ngunit hindi ko naman alam kung bakit.
Hinintay ko na may sabihin siya sakin. Hinintay kong magsalita siya pero wala! Ano ako, manghuhula?
Mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap. Sa sobrang higpit ay halos kapusin na din ako ng hininga.
"Hindi na to tama..." bulong ko. Bakit ayaw niyang bumitaw samantalang mayroon naman na siyang iba?
"Give me time, Andrea," narinig ko ang paos niyang tinig. Halos hindi ko agad maintindihan ang kanyang sinabi dahil sa kanyang pag iyak.
Tangina. Bakit parang ang bigat bigat? Bakit kami nahihirapan ng ganito?
Dahan dahang umangat ang aking kamay at hinagod ang kanyang likod. Hindi ko kaya.
"Why? Bakit kita kailangang hintayin? Sabihin mo. Hindi pwede na umasa ako sa sabi mo lang," sagot ko sa kanya ngunit isiniksik niya lalo ang kanyang muha sa aking leeg.
Kapag ganito na lamang ang nagyari ay siguradong bibigay ako ng tuluyan kahit pa nga wala naman siyang ginawa upang suyuin ako. Walang palipaliwanag.
"Huwag ka naman masyadong lumalapit sa lalaki na yun. Para mo akong pinapatay e," bulong niya. He pulled away a little and gave me a quick peck on the lips. Parang tumalon ang puso ko. Puta naman, nakakamiss. Pero hindi ko makuhang maging masaya ng tuluyan.
"Mabait si Cinco. Nakikinig siya sa mga sinasabi ko at sinasabi niya kung ano ang nasa isip niya," pagtatangol ko naman. Iyon naman kase ang totoo. Kahit pa halos magkakilala pa lamang kami ay kahit kailang hindi ko naramdaman na pinlastik ako o pinikot ni Cinco.
Iba din ang tabas ng dila niya. Sasabihin niya kung ano ang nasa isio niya. Kulang na nga lang sabihin niya bobo ako at tanga e.
I heard him grunt. Mukhang hindi niya nagustuhan ang aking naging sagot.
"Andeng naman e," he was pouting like a kid. Nagsusway na kaming dalawa dito habang yakap yakap niya ako. Hindi ko talaga maintindihan kung ano nag nangyayari samin.
Nakagat ko ang akung labi, ang isa kong kamay ay hindi na napigilang kumilos at dahan dahang pinahid ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi..
Kahit ako na lang ang masktan huwang lang siya.
"She's not my girlfriend," bigla niyang sabi. Agad na nagtama nag aming mga mata, tinitimbang ang kanyang mga salita. "Sinabi ko naman sayo na mahal kita di ba? Panghawakan mo yun. Dahil kahit anong mangyari hinding hindi yun magbabago," dagdag niya.
Gusto kong sumaya. Gusto kong yakapin siya ng mahigpit at sabihin na masaya ako sa sinabi niya. Pero hindi ko makuhang ngumiti ng totoo.
"Ganun na lang ba Chase? Sasabihin mo sakin na mahal mo ko pero nandun ka sa kanya? Na maghintay lang ako kase babalik ka? Ganun ba yun? Ganyan ba ang pagmamahal mo?" nanghihina kong tanong.