Mapapalo...
"Anak, sigurado ka bang ayos ka lang? Ang laki ng eyebags mo o," napasimangot ako sa tinuran ng aking ina. Natatawa pa siya habang inilalagay ang bagong bake na cake sa lagayan sa harap.
Linggo ngayon at kagabi pa lang sa hapunan ay nakapagpaalam na ako kila Papa at Tita Monica na tutulong ako kay Mama maghapon.
Okay lang naman daw dahil matagal ko na ding hindi nabibisita ang aking ina.
"Ma naman e," napaungot ako bago dinampot ang maliit na salimin sa gilid ng kaha upang silipin ang aking itsura. Wala naman akong make up kaya siguradp akong maputla talaga ang itsura ko. Ibinaba ko ang salamin at inayos ang loosr yellow shirt na suot ko na itinuck in ko sa harap ng suot kong black pants. Nakatali din sa aking baywang ang itim na apron habang ang aking buhok ay nakapony tail.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay matutuyuan na ako ng dugo dahil sa magpipinsan na Puntavega.
"Baka napupuyat ka kakatext sa mga manliligaw mo..." nanunuya niyang asar sa akin.
Ganito si mama, kahit alam niya na hindi naman ako madalas mamansin ng mga lalaki, feeling niya ang ganda ganda ko.
Namula naman agad ang aking pisngi ng biglang sumingit sa aking isipan ang imahe ni Chase.
Ang walanghiyang yun, ang harot harot. Palagi na lang akong hinahawakan sa kamay.
E san mo gustong humawak?
Punyeta talaga. Nababaliw na yata ako.
Nang minsang sunduin kami ni Ice sa klase, dumirecho kami sa Rkive, Arcade shop iyon nila Julio. Sa ground floor, nandun yung mga video games, mga rides at kung ano ano pang mga gaming consoles. Meron ding mga board games, billiards at ball pit na ginawa na yatang tirahan nila Ulap at Lexo. Parang mga bata.
Meron din maliit na cafeteria sa gilid habang ang itaas naman ay nagsisilbing tambayan nilang magpipinsan. Parang isang condo ang itaas na pinagawa daw ng parents ni Julio dahil madalas matulog ang magpipinsan sa Rkive.
Madaming tambay sa shop na karaniwan ay mga babae. Pasilay silay sa kanila na hindi naman yata nila pinapansin. Iilan lang.
Ilang araw din kaming tambay dun. Minsan ay nagtatago ako at iniiwasan sila pero itong si Aedree may sa kabute din minsan, napakafriendly, magugulat na lang ako at alam na nila kung nasaan ako.
Si Chase naman, napakaharot. Napakahirap magpigil. Hindi naman sana ako marupok pero kung palagi naman siyang tumatabi sakin at sinasabi na kakagatin niya ko, baka talaga bumigay na lang ako. Pero alam ko naman na sinasakyan niya lang ang trip nila Lantis.
Iyon din si Lantis, madalas nawawala. Pati si Ice.
Ngayon lang siguro ako makakawala sa mga yun. Pati si Xantha ay napapasimangot minsan kapag nakikita niya na papalapit na samin ang mga Puntavega. Ang gaga, parang kriminal, ang bilis tumakas. Feeling ko nga talaga may inililihim din yung babae na yun e.
Ang babaeng parrot naman, walang ibang alam gawin kung hindi magmuryot sakin. Inaagaw ko daw si Chase sa kanya. Madami na ding mga babaeng umiirap sakin. Kung hindi nga lang ako siguro kasama ng magpipinsan madalas ay baka warak na rin ang aking mukha.
Napalingon ako sa gawi ng pinto ng tumunog ang chime.
Napatulala ako ng bahagya ng makita ang imahe ng magandang babae na pumasok. Tuwid na tuwid ang kulay itim niyang buhok na hanggang balikat. Nagkocompliment sa magandang hubog ng kanyang mukha ang bangs na tumatakip sa kanyang noo. Pulang-pula ang kanyang mga labi.