Chapter Five
ANG mga natirang pagkain ay ipinabalot ni Sachi. Akala ni Julianna ay iuuwi nito iyon kaya dadagdagan pa sana niya ng karagdagang order. Ngunit sa buong pagkamangha niya ay ipinamahagi iyon ng binata sa mga batang-lansangan. Ang umuusbong na damdamin ni Julianna para kay Sachi ay tila lalo pang nadagdagan.
Alam niyang regular na nagkakaloob ng tulong ang kanyang mga magulang sa mga charity institutions. Niyayaya pa nga siya ng mga ito na sumama kung minsan. Pero katwiran niya ay busy siya at walang time. Ngayong nakikita niya ang maliit na akto ng kawanggawa ni Sachi sa mga batang iyon na nagugutom sa lansangan, may isang parte ng pagkatao niya ang naantig. Hindi man siya ang nag-abot o nakaisip gawin iyon, isang bahagi niya ang natutuwa na sa maliit na halaga ay nagdulot ng ngiti sa mukha ng mga bata ang konting pagkain.
"Ayos ka lang? Sabi ko naman sa'yo, huwag ka ng sumunod, eh. Mainit dito."
Mainit nga. Pero mas lamang ang curiosity niya na malaman kung saan ito papunta kaya sinundan niya ito nang lumabas ng mall bitbit ang ipina-take out nilang leftovers.
Hinubad nito ang suot na cap at isinuot sa kanya.
"Tara na. Saan ba tayo pupunta?" anito na sinabayan siya pabalik ng mall.
Parang may mga paruparo sa kanyang sikmura sa naging gesture nito. Kinikilig siya. Inayos pa niya sa ulo ang ipinasuot nito sa kanyang sumbrero.
"Magsa-shopping."
Malayo-layo rin ang nilakad nila pabalik ng mall. At dahil mas mahaba ang mga biyas ni Sachi kumpara sa kanya, ang isang hakbang nito ay dalawang hakbang sa kanya. Wala sa loob na napakapit siya sa braso nito para hindi siya maiwan. Kung nagulat man ito ay deadma na lang siya.
They're friends. Ano ang masama sa magkaibigang naghahawakan ng braso?
Dumiretso sila sa basement parking ng mall. Ibinigay niya kay Sachi ang kanyang key fob.
"Akala ko ba takot kang mag-drive mag-isa?" nagtatakang tanong nito pagbaba nila sa basement parking area.
"Hindi naman ako ang nag-drive, si Max. 'Yong kaibigan ko."
Curious pa nga ang baklita na makita kung sino ang kakatagpuin niya pero pinandilatan niya lang ito. Natatakot siyang ipakilala rito si Sachi at baka landiin nito. Kaya, ayun. Gorabels na ito lulan ng taxi para makipagkita sa date nito.
"Wow, mukhang bagong-bago pa itong kotse mo, ah."
Nasa tapat sila ng isang kulay puting BMW. Ang Daddy niya ang pumili ng kulay niyon. Iyon ang regalo nito sa kanya last year when she turned nineteen. Maliit na salu-salo na lang din ang inihanda ng Mommy niya dahil isang brand new car naman ang regalo ng kanyang ama.
Nang akmang ipagbubukas siya ng pinto ni Sachi sa backseat ay umiling siya.
"I want to sit in front. Sasanayin ko na ang sarili ko para hindi na ako masyadong nao-overwhelm sa bigat ng traffic."
Kumiling lang ang ulo nito na parang sinasabing you're-the-boss. Lumigid ito sa tabi ng passenger side para buksan ang pinto.
"Thanks."
Julianna was feeling giddy when she settled on her seat. Ikinabit niya ang kanyang seat belt nang okupahin ni Sachi ang driver's seat.
Gosh. Why does he look so right sitting in the driver's seat of my car?
"Where to?" he asked when he started the car and maneuvered it out of the basement parking.
"MOA."
Tahimik itong nagmaneho. Alam niyang malayo-layo rin ang magiging biyahe nila. Pero naisip niyang mas mabuti na iyon para hindi na ito magkaroon pa ng free time na makipagkita sa nag-text dito kung sino man iyon. The possibility that that person is one of his customers annoys her to the core. Heto nga at binigyan na niya ito ng trabaho para hindi na ito bumalik pa sa gawaing 'yon.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
Lãng mạnIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...