Chapter Twelve
"DALHIN na kaya kita sa doktor?" worried na sabi ni Sachi kay Julianna.
Katatapos lang nilang mag-enroll. Kung siya lang ang masusunod ay hindi na sana muna sila tutuloy kinabukasan pagkatapos niya itong samahang matulog sa apartment nito. Pero dahil mukhang refreshed na ito paggising ay medyo napanatag na rin siya nang magyaya itong tumuloy na sila ng school at tapusin ang pag-i-enroll. Nasa accounting na siya nang makita itong namumutla habang naghihintay sa kanya. Niyayaya na sana niya itong umuwi ngunit nagmatigas itong tapusin na niya ang lahat ng kailangang ayusin sa araw na iyon para raw wala na silang babalikan.
At heto nga, sinamahan pa niya ito sa loob ng pambabaing banyo dahil nagduduwal na naman ito. Bago sila umalis ng apartment ay tiniyak niya munang nakakain ito ng almusal para may sapat itong resistensya pagpunta nila ng school. Tapos heto at halos lupaypay na naman.
"Kaya mo bang lumakad?"
"I-I think so."
Pero hindi pa man sila nakakadalawang hakbang ay gumewang na ito sa paglalakad. Hindi na pinansin ni Sachi ang mga taong nakatingin sa kanila, walang salitang maingat niyang pinangko si Julianna at dinala sa kinapaparadahan ng sasakyan.
Kaagad niyang kinuha ang malinis na bimpo sa dala niyang bag at pinunasan ang butil-butil na pawis nito sa noo. Nakapikit ito at tila pinalilipas ang liyo. Minabuti niyang huwag na muna itong kausapin hanggang sa bumuti na ang kalagayan. Nahagod niya ang pisngi nito na halos magkulay papel na sa kaputlaan. Parang may pumipiga sa sikmura niya sa nakikitang paghihirap nito. Marahan itong nagmulat ng mga mata. Isang tila nanlalatang ngiti ang nagkahugis sa mga labi ni Julianna at banayad na pinisil ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito.
"I'm okay," tumaas ang hintuturo nito sa kanyang noo at pinahid ang kunot na nakaguhit doon. "You're frowning, mahal na konde."
Despite the situation ay napangiti siya.
"Mukhang seryoso na 'yang nangyayari sa'yo, mahal na kondesa. Kung ayaw mong magpadala sa doktor ay ihahatid na lang kita sa inyo o di kaya ay tawagan mo ang parents mo. Siguradong mag-aalala sila kapag lumala pa 'yan."
"Anemic lang ako. Ganito naman ako madalas kapag dumarating ang monthly period ko."
"Sigurado ka?"
"Yes po, mahal na konde. So stop frowning, okay? Nababawasan ang hotness mo," nakalabing sabi nito.
Dama niya, biglang nag-init ang magkabila niyang tenga. Napabungisngis ito. Sa kawalan ng maisagot ay marahan niyang pinadaan ang knuckles sa baba nito.
"Ikaw talaga. Ang lakas ng trip mo."
"Totoo 'yon, ano? Kaya nga wagas akong awayin ng babaing 'yon sa mall. Akala mo naman kung sinong maganda," beast mode na sabi nito.
Napakamot na lang siya sa ulo.
"Uwi na tayo. Gusto kong kumain ng hilaw na mangga. 'Yong crunchy at maasim na maasim," anito.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...