wala akong maisip na title.
'wag malikot ang isipan wholesome 'yan :)
.
Chapter Fifty-Eight
ANG tagal nag-tantrums si Saschia. Kahit anong suyo ang gawin ni Julianna ay ayaw nitong makinig.
"Sweetheart, nothing will change. Whatever happens, ikaw pa rin ang kauna-unahang baby ni Mommy. Even to your Lolos and Lolas."
Umingos lang ito. Kahit napipikon na sa inaasal ng anak ay nagbuntong-hininga na lamang si Julianna para hindi kumawala ang pagtitimpi.
"Ako naman," pasimpleng bulong ni Sachi sa kanyang tenga.
Kahit wala pang confirmation ng doktor ay dapat na rin nilang ihanda ang anak na sooner or later ay magkakaroon ito ng kapatid. Kung siya kasi ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng dalawa pang anak maliban sa kanilang panganay. Pero siyempre, kung ano ang kalooban ng Dios ay 'yon pa rin ang masusunod.
Binuhat ni Sachi ang anak.
"Pasyal lang muna kami sa labas, mahal."
Tumango na lang siya at wala sa loob na nahaplos ang impis na tiyan. Posible nga kayang nagdadalantao siya?
Naging abala sila sa mga nakalipas na araw kaya hindi na niya matandaan kung kelan iyong huling araw ng period niya. Ngunit kung magbe-base siya sa mga pagbabagong nararamdaman sa kanyang katawan, posible ngang buntis siya. At sa isiping iyon ay napupuno ng labis na kaligayahan ang puso niya. Magkakaroon na ulit ng bunga ang pagmamahalan nila ni Sachi.
~0~
"MAHAL na mahal ka ni Daddy. And more than anyone in this world, mahal na mahal ka ni Mommy," masuyong wika ni Sachi sa anak.
Ibinaba niya ito sa wooden bench. Pinahid niya ang luha nito sa magkabilang pisngi at hinawi ang mga hibla ng buhok na naligaw sa mukha.
Naupo siya sa tabi nito at inalalayan din itong maupo paharap sa kanya.
"We never mentioned about this before. But before you were born, naaksidente ako. You know what's a car accident, right?"
"You were hit by a car?"
"Yes. I was in the hospital for a very, very long time. Kaya nang ipanganak ka ni Mommy, mag-isa lang siya sa pag-aalaga sa'yo. But you know what's worst, anak?"
"What?"
"Your Mommy thought I died. So, you see. She went through a lot. But she held on and remained strong because of you. Mahal na mahal ka ni Mommy na kahit madalas siyang malungkot at umiiyak ay hindi siya sumuko. Kaya huwag mong iisipin na kung magkakaroon man ng bagong baby ay matatabunan na ang pagmamahal namin sa'yo dahil hinding-hindi 'yon mangyayari. You are our first angel, the product of our love. And someday, when you're old enough to understand, ikukuwento namin sa'yo ni Mommy ang lahat ng hirap na pinagdaanan namin para lang mabuo ang ating pamilya."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...