Walk On Memories

24.2K 864 53
                                    

Chapter Forty-Eight

"BUMALIK na ang alaala mo?" excited na tanong ni Julianna.

Umiling si Sachi. 

Biglang nawala ang katuwaan sa mukha ng dalaga.

"K-kung gano'n ay paano mong nalaman na sa'yo galing 'yong singsing? Nanghuhula ka lang?"

Muli siyang umiling.

"Nakita ko. Like a glimpse," nang sumakit ang ulo niya kagabi ay nagkaroon siya ng mga flashes. Hindi masyadong malinaw ngunit sapat para mabigyan siya ng ideya. At kinailangan niya lamang iyong kumpirmahin dito kanina. 

And when he kissed her, may na-trigger uling mga alaala. Bahagyang kumirot ang kanyang ulo ngunit pilit niyang pinaglabanan ang sakit. Dahil ayon nga sa kanyang doktor, maaaring may pumipigil lamang sa utak niya para ganap na makalaya ang mga nakakulong niyang alaala.

"W-what else did you see?"

"You were crying."

Natutop nito ang bibig. At hayun na naman, nakita na naman niya ang pangingilid ng mga luha nito. He saw longing and happiness in her eyes when they met last night. Na para bang kayrami nitong gustong sabihin na hindi nito magawa.

"Did I cheat on you?" he asked.

Mabilis itong umiling.

"Did you?"

"N-no. Never."

"Did we break up?"

"No," nagpakailing-iling ito.

"Nagkahiwalay ba tayo after the accident?" maingat niyang tanong. Ayaw niyang pangunahan ito sa pag-iisip na sa buong panahong nakaratay siya ay bakit wala ito sa kanyang tabi?

"Yes. But R-Rupert told me that you're d-dead."

Napamaang siya.

"So, all this time..."

"I was in mourning for six years," tuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha nito.

Napapikit siya nang biglang gumuhit ang sakit sa kanyang sentido.

"Sachi!"

"I'm okay, I'm okay," pilit niyang pinaglabanan ang kirot. Natutop niya ng dalawang kamay ang ulo.

Narinig niya ang mga impit na hikbi ni Julianna.

"Don't... c-cry." Parang pinipiga ang puso niya sa mga hikbi nito. "Fuck!"

Gumuguhit ang kirot na parang gusto niyang panawan ng ulirat sa sobrang sakit.

"Y-your meds. Nasaan ang gamot mo?" natatarantang tanong ni Julianna.

Akmang bababa na ito ng kama ngunit mabilis niyang hinagip ang kamay nito.

"No. This will p-pass, dito ka lang."

Hindi na nga ito bumaba ng kama. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagyakap ng mga braso nito sa kanya. Marahan siyang kinabig ni Julianna hanggang sa mapahiga siya sa kandungan nito. He remained still on her lap. Banayad na sumuklay sa hibla ng kanyang buhok ang mga daliri nito. Iniyakap niya ang braso sa beywang nito. He willed the pain to go away. Napakarami pa niyang gustong malaman. Not necessarily to remember everything. Gusto niya lang tiyakin na tama ang sinasabi ng pakiramdam niya. The familiarity--her scent, her smile, the overwhelming tide of emotions she awakened in him, and the feeling of being at home. Right there, on her lap, in her arms.

Unti-unti ay nag-subside ang sakit. Nakatulong ang paghagod nito sa kanyang buhok at ang banayad na pagmasahe sa kanyang anit. Hanggang sa mamigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nakatulog siyang nakaunan sa kandungan nito. At mukhang napahimbing nang husto ang tulog niya dahil nang magising siya ay nasa unan na ang ulo niya, wala si Julianna.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon