Chapter Twenty Five
HAWAK ni Julianna ang report ng taong kinuha ni Maxine para mag-imbestiga sa mga de Guia. The reports she received shocked her. Nasa bingit ng bankruptcy ang rantso dahil sa tinatawag na "blackleg outbreak". Isang uri ng sakit ng hayop na nag-uugat sa bacteria na madaling kumalat partikular kapag tag-init. Tinamaan nang malubha ang bakahan sa rantso at marami sa mga ito ang naapektuhan.
At kung hindi nagkakamali ng pagkaalala si Julianna, isa sa business proposal ng ama ni Drigs ay maging direct supplier ng processed meat sa kanilang supermart.
"My God, this is serious."
Kung tama ang kalkulasyon niya sa takbo ng utak ng mga magulang ni Drigs, gagamitin ng mga ito ang engagement na mangyayari sa kanila ng huli upang mai-push ang business deal na iyon.
"Ang totoo ay isang hush-hush daw ang tungkol sa outbreak na 'yan. Binayaran nila ang mga taong nakakaalam para hindi mag-leak ang information," ani Maxine. "No wonder, Drigs' parents were desperate to marry you off to their son."
"Tama ka," pagsang-ayon niya sa kaibigan. "Ipapadala ko ang reports na ito kay Daddy."
Inilabas niya ang halagang ipinangako niya sa taong kinuha ni Maxine para mag-imbestiga.
"I owe you big time, Max. May bonus 'yan."
"Matutuwa 'yon si Sarhento," tukoy nito sa dating tauhan ng ama.
"Natuwa rin naman ako sa reports niya. Bukod sa nasagip niya ako na mapasubo sa pamilyang 'yon, nasagip niya pa ang magandang reputasyon ng Clover Leaf."
"Nangungulit pa ba si Drigs?"
"I blocked his calls but you know naman he can still text. Pinipigilan ko na lang talaga ang sarili ko na patulan ang mga threats niya. Kung puwede ko nga lang isampal ang reports na ito sa pagmumukha niya ay ginawa ko na. But I need to play innocent to all of this para hindi maisip ni Drigs na ako ang nagpa-imbestiga sa kanya. I'm planning to send this report anonymously to my father."
"You are so clever talaga, baks."
"I know, right?"
"Here's your order, Ma'am, Sir." Inilapag ni Sachi ang isang slice ng carrot cake at mango juice sa harapan ni Julianna at isang rock glass naman ng Martini na order ni Max.
Nasa bar sila kung saan nagtatrabaho si Sachi. Isa iyong high-end bar na pag-aari ng kaibigan nitong si Rupert. She already met Rupert. And he seemed like a nice guy naman. Medyo naiinis lang siya dahil nabawasan na ang oras na magkasama sila ng nobyo dahil paglabas ng school ay sa bar na ang diretso nito. Madalas ay tumatambay rin siya roon para bantayan ito. Pinapagalitan na nga siya ni Max dahil baka masakal na raw si Sachi sa ginagawa niya. Pero wala siyang kiber.
"Thank you, mahal."
"Sh," saway ni Max. Pinandilatan pa siya ng mata. "Mamaya akalain ng ibang kustomer dito okay lang na tawagin nilang mahal 'yang mahal mo."
Napairap si Julianna. "Subukan lang nila."
Ngumiti lang si Sachi.
"Iwan ko na muna kayo," pasintabi nito sa magkaibigan.
"Kiss ko," humaba ang nguso niya sa papatalikod sanang nobyo.
Bagama't parang nahihiya ay mabilis na yumuko si Sachi at binigyan ng smack sa lips ang nobya.
"I love you," pahabol pa ni Julianna sa likuran ng nobyo.
He just blew her a kiss at bumalik na ito sa sariling post.
"Gravity, kalurkey ka talaga, baks," reaksyon ni Max.
Hindi apektadong nagsimula ng kumain si Julianna.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...