Chapter Nine
"JULIANNA, Julianna Madrigal, right?"
Nilingon ni Julianna ang nagsalita sa likuran niya.
"Yes? Do I know you?" Hindi niya napigilan sa pagtaas ang isang kilay.
"It's Rachel. Rachel Uy, we were classmates in high-school, third year."
"Oh, hello," bagaman hindi pa niya ito maalala ay tipid niya itong nginitian.
"This is quite a surprise. Dito ka na rin ba pumapasok?"
Tumango siya. "Yes."
Nang bumakas ang pagtataka sa mukha ni Rachel ay ikinibit niya ang mga balikat.
"Call it adulting."
Rachel laughs. Mukhang hindi ito kumbinsido sa sagot niya. But she just shrugs it off. Wala siyang obligasyong ipaliwanag sa ibang tao ang mga dahilan niya. Alam niyang marami sa mga so-called friends ng parents niya ang nagtaka sa bigla-bigla niyang pagta-transfer sa isang state college. In fact, nagkaroon pa nga ng mga haka-haka na baka raw bumabagsak na ang kabuhayan nila kung kaya't lumipat siya ng pampublikong unibersidad. Isa nga iyon sa dahilan ng ikinagalit ng Daddy niya. Ano na lamang daw ang sasabihin ng mga kaibigan at kakilala nito. Na siya na unica hija nito at heredera ay hindi magawang pag-aralin sa pinaka-prestihiyosong paaralan sa bansa? Gayong kung tutuusin kahit sa ibang bansa ay puwede siya nitong pag-aralin.
Kinailangan pang mamagitan ng Mommy niya para ma-pacify ang kanyang ama. Sinabi na lamang nito na mas maganda nga na lumipat siya sa pampublikong paaralan para maranasan niyang lumabas sa kanyang comfort zone. Ang mag-aral nang wala ang nakasanayan niyang luxury dahil simula nang tumuntong siya ng paaralan ay panay pribado at exclusive schools ang pinasukan niya. At totoo, bagaman ang pangunahing dahilan lamang ng paglipat niya sa paaralang iyon ay upang akitin si Walter at agawin kay Annika, ay sineryoso rin naman niya ang pag-aaral doon kahit papaano.
"You look very beautiful," walang bahid-kaplastikan na sabi ng kausap niya na nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan.
"Thank you."
"Have you heard from Annika? Sino kaya ang mas maganda sa inyong dalawa ngayon?"
Mariing napaglapat ni Julianna ang mga labi. At naalala niya, kaya umusbong ang inggit niya kay Annika ay dahil madalas silang pagkumparahing dalawa noon ng mga classmates nila. Na lalo pang nagatungan nang ang mga crushes niya ay mabaling dito ang atensyon. Eventually, she hated Annika because of that.
"Is he your boyfriend?"
Nang bumaling ang tingin ni Rachel sa papalapit na si Sachi ay nagkalampagan ang mga warning bells sa utak ni Julianna.
"He's cute."
She almost growled in annoyance. Hindi niya gusto ang paraan ng paghagod nito ng tingin kay Sachi na puno ng paghanga. Naiinis siya rito. Kung hindi lang kabastusan at kung siya pa ang dating bratty at walang-pakialam na si Julianna ay natarayan na niya ito.
"He looks familiar, though. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Is he a model?"
May kung anong pangamba siyang biglang naramdaman para kay Sachi. Naisip niya kasi kung saan nito posibleng nakita ang binata.
"N-no. But you probably see him around the campus, dito rin siya nag-aaral."
"I'm not sure, pero siguro nga."
Nang makalapit ang binata ay kaagad nitong ibinigay sa kanya ang isang bote ng distilled water.
"Thanks."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
Storie d'amoreIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...