Nightmare

18.1K 690 89
                                    

Chapter Thirty-Seven

NANG muling magkamalay si Julianna ay nasa loob na siya ng isang puting silid at may nakakabit ng IV tube sa kanyang braso. Nang maisip niya kung bakit siya naroroon ay napabangon siya kahit nanghihina. Kailangan niyang makita si Sachi. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng doktor. Gagaling ito, makakasama pa niya ito nang matagal. Makakasama pa nila ito ni Baby Saschia. 

He promised me, he promised me that we will stay together.

Bumukas ang pinto bago pa ito narating ni Julianna.

"Jules."

"Baks."

Magkasunod na pumasok sina Rupert at Max. Kaagad siyang inalalayan ng mga ito pabalik sa kama.

"You have to stay in bed," istriktong wika ni Rupert.

"Si Sachi. I need to see him, I need to be with him," she said brokenly. Ang mga luha niya ay nag-uunahan sa paggulong. "Please, let me see him."

"Baks, you almost lost your baby," ani Max.

Nag-aalalang nasapo niya ang sinapupunan.

"Mabuti na lamang at naagapan ng doktor," dagdag na wika ni Rupert. "Bawal sa'yo ang matagtag at ma-stress. Sa susunod na duguin ka ulit, the doctor cannot guarantee your baby's safety."

Napatulala siya sa kanyang narinig. She cupped her middle as if to shield her unborn child. She can't lose her baby. Napaka-importante ng batang ito sa kanila ni Sachi. 

Napailing siya, hindi siya makapapayag na may mangyari sa anak niya. She will do anything to protect her child, their Baby Saschia.

"H-how is he?"

Matiim siyang tiningnan ni Rupert na parang tinitimbang kung paano niya tatanggapin ang sasabihin nito.

"It's touch-and-go, the doctor's prognosis is not... promising."

Nahigit niya ang paghinga kasabay ang muling pagpatak ng masaganang luha. It all seemed like a nightmare over and over again. Nadakot niya ang dibdib nang bigla siyang mahirapang huminga.

"Jules, Jules! Call the doctor, Max!"

Natatarantang lumabas ng silid si Maxine at tumawag ng doctor.

Nang muling gumising si Julianna ay may ilang araw na ang nakalipas. Iba na rin ang silid na kinaroroonan niya. Bagaman sa tingin niya ay nasa ospital pa rin siya.

"Anak."

"Mom...?" she panicked. Natagpuan na siya ng parents niya, ilalayo na naman siya ng mga ito kay Sachi! "I-I can't stay here. Kailangan kong puntahan si Sachi. He needs me."

"Anak, please. Kumalma ka lang. Makakasama sa iyo ang masyadong maging emotional."

"Where am I? Ibalik niyo ako kay Sachi. Kailangan niya ako, ayoko rito!"

"Julianna, please," mabilis siyang niyakap ng Mommy niya. "Kalma lang, anak. Hindi kami ang nagdala sa'yo rito. Rupert had you transferred here from Gumaca because of your condition. You had a panic attack. Tinawagan niya kami para ipaalam ang nangyari sa'yo."

"How about Sachi? How is he, Mom? Naririto rin ba siya?" mukhang de-klaseng ospital ang kinaroroonan niya base sa magarang silid.

"No. I heard they flew him to the US the day they transferred you here in Manila."

"W-what?" anong kalokohan ang sinasabi ng kanyang ina. Bakit naman ililipad pa ng Amerika si Sachi? At sino ang may financial capability na gawin ang ganoong kaabalahan para sa kanyang nobyo?

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon