Chapter Twenty-Eight
"AS far as I could remember, I never said yes," ani Diomedes kay Benedict de Guia. Nasa opisina niya ito upang hingiin ang kasagutan niya sa business proposal na iniluluhog nito.
"Binabawi mo na ang napag-usapan natin?"
"I merely said I'd consider the idea, Benedict. But whereas my daughter's happiness' concern, I'm afraid I can't involve her in any business deal. May nobyo na siya at hindi ko siya mapipilit na ipagkasundo sa anak mo lalo pa nga at mukhang malaki ang atraso ng anak mo sa anak ko."
"What do you mean by that?"
"Why don't you ask your son?"
"I can't believe this."
"I'm sorry, Benedict. But if you really need financial assistance I'm willing to--"
"What made you think I need your financial assistance?" matalim ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
"C'mon, let us be completely honest here. I know about the current situation of your ranch."
"You had me investigated?"
"No, I did not. But I'm really sincere about my offer."
"Forget it, Diomedes. I don't need your charity."
Napailing na lang si Diomedes nang galit na tumayo si Benedict at tunguhin ang pinto palabas ng kanyang opisina. Wala siyang sinirang salita dahil wala naman talaga siyang pinal na sagot sa mungkahi nito na ipagkasundo ang kanilang mga anak. At totoo rin ang sinabi niya na kung kaligayahan ng anak na si Julianna ang nakataya ay hindi niya ito idadawit sa anumang business dealings. Lalo pa nga at mukhang palikero ang anak na iyon ni de Guia. He didn't spoil and love his daughter to distraction to be played by the likes of that young man. No, Sir.
~0~
"JULIANNA."
Gulat na nilingon ni Julianna ang tumawag sa kanya. Akala niya ay kaboses lang. Ngunit paglingon niya ay nagulat siya nang makita ang taong tila nag-aabang sa labas ng kanyang apartment.
"Drigs. What are you doing here?"
"We need to talk."
"Kung tungkol ito sa ating dalawa, ay wala na tayong dapat na pag-usapan. Nasabi na ni Daddy kay Tito Benedict ang decision niya."
"But you can still change his mind."
"I don't think so. Willing naman si Daddy na mag-offer ng financial assistance, but your father declined. At this point, ano man ang sabihin ko kay Daddy ay hindi na mababago pa ang decision niya."
"Ganoon ba talaga o ayaw mo lang gawin?" galit itong lumapit sa kanya at sinunggaban ang magkabila niyang punong-braso.
"Drigs, ano ba?!" he looks desperate.
Nang mapagmasdan niya itong mabuti ay nakita niya ang putok sa gilid ng labi nito. Galing ba ito sa isang away?
"Bitiwan mo ako," pilit nagpapakahinahong sabi niya. Ayaw niyang magpadala sa galit lalo pa nga at any minute ay puwedeng sumunod sa kanya ang nobyo, may binili lamang ito.
"You have to do something para magbago ang isip ng Daddy mo. Dahil kung hindi ay sasabihin ko sa kanyang may nangyari na sa ating dalawa."
"Then I will tell my father that you raped me. Tingnan lang natin kung sino ang mabubulok sa kulungan."
"At sa palagay mo ganoon ang mangyayari? I will show him the video of what happened that night. Siya na ang bahalang magsabi kung rape nga ang nangyari sa ating dalawa."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...