(I Think About You) 24/7

24.4K 871 106
                                    

Chapter Seven

"YAYA Magenta," naglalambing na inihilig ni Julianna ang ulo sa may-edad na yaya. Sa lahat ng kawaksi, ito lamang ang hindi nangingilag sa dalaga. Palibhasa halos kapamilya na nila kung ituring ang mahigit singkuwenta anyos na yaya. 

"O, naglalambing yata ang alaga ko," naghahanda ito ng paborito niyang home made garlic bagel chips.

Pinadamihan niya na dahil balak niyang mag-uwi sa kanyang apartment. Tatlong magkakasunod na araw ng parating nasa apartment niya si Maxine. Her gay friend's company is more than welcome in her house. Bukod sa nalilibang siya sa mga antics nito ay pansamantala niyang nakakaligtaang isipin ng bente-kuwatro oras si Sachi. 

"May tanong lang po ako."

Tumingin ito sa kanya na tila puno ng pagtataka ang mukha.

"Bakit niyo ako tinitingnan ng ganyan?" nakasimangot na tanong niya sa may-ead na ring tagapag-alaga.

"Matagal-tagal na akong may napapansin sa'yo."

"Ano naman kaya 'yon?" nakalabing sabi niya.

"Ikaw ba'y may boyfriend na?"

Napasinghap siya saka madramang natutop kunwa ang dibdib.

"Paano niyo naisip 'yon?"

"Ibang-iba kasi ang glow mo. Parang inspired. Atsaka..."

"Atsaka ano po?"

"Para kang laging may katabing anghel dela guwardya."

"Meaning?"

"Ang bait-bait mo."

"Mabait naman talaga ako, ah," nanunulis ang ngusong sagot niya.

"Oo naman. Pero siyempre ang madalas lang makita ng tao ay 'yong katarayan mo at pagiging suplada."

Lalo ng nanulis ang nguso ni Julianna. Natatawang hinagod ng yaya ang likuran ng dalaga. 

"Siyanga pala, salamat daw sa regalong ipinadala mo sa anak ni Nita," ang pangalang binanggit ng yaya ay isa sa kanilang mga maid. 

Nagdiwang ng ikapitong kaarawan ang bata. Narinig niya lang ang pag-uusap ng mga kasambahay. Kalalabas lamang sa ospital ng bata at halos naubos na raw ang savings ni Nita kaya naman mukhang isisimba na lamang nito ang anak dahil wala na itong panghanda. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. Tinandaan niya ang petsa ng kaarawan ng bata. Nang sumapit iyon last week ay inutusan niya ang kanilang family driver na um-order ng isang bilaong pancit, cake, dalawang buong fried chicken at lobo. Ipinahatid niya iyon sa bahay ni Nita.

"Gusto niya sanang personal na magpasalamat sa'yo kaya lang parati ka namang wala sa bahay nitong mga nakaraang araw."

"Wala po 'yon," halos bulong lang na sagot niya. Maliit na halaga lamang iyon kung tutuusin. At hindi rin siya naghihintay ng pasasalamat, maiilang lang siya. "Malapit na po ba 'yan?"

"Oo, malapit na ito," naiiling na sagot ng yaya. 

Kilala nito ang ugali niya kaya humigit-kumulang ay alam niyang naiintindihan nito ang nasasaloob niya.  

"Yaya, may tanong nga ako, eh."

"Ano nga ba 'yon?"

"Promised me you won't get offended," naupo siya sa high chair at nangalumbaba sa harapan nito.

"Promised me you won't get offended," naupo siya sa high chair at nangalumbaba sa harapan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon