Chapter Thirteen
"HOY! Bumangon ka na riyan."
"Bakit ba? Ang aga-aga pa," nagtalukbong ng kumot si Sachi para maiwasan ang pangungulit ng pinsang si Ria.
"Ano bang ang aga pa? Tirik na tirik na ang araw, o," hinawi nito ang tagpi-tagping kurtina na nakatabing sa bintana. "At malapit na ring tumirik ang mga mata namin ni Tita sa paghihintay sa'yo."
"Bakit niyo naman ako hinihintay?"
"Bakit? Sino ang inaasahan mong magbubuhat no'ng sako ng telang gagamitin ni Tita pagtatahi ng basahan, aber?" nakapameywang na sabi nito.
"Ikaw. Ano ang silbi ng mga naglalakihan mong maskel?"
"'Tado! Kahit gaano pa kalalaki ang mga muscles ko hindi ko kakayanin 'yong dalawang sako ng tela."
"Maka-'tado naman, 'to," kahit mabigat ang pakiramdam ay bumangon na si Sachi. "Nasaan si Mama?"
"Andu'n, nagbabantay sa barbekyuhan. Naroroon na rin 'yong dalawang sako ng tela na kinuha ni Tita sa garment factory no'ng tsekwang manliligaw niya."
Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ng pinsan.
"At kailan pa nagkaroon ng manliligaw si Mama?"
"May isang linggo na rin. Na-crush-an yata si Tita no'ng isama siya ni Ate Lucy sa garment factory para kumuha ng mga retaso."
"Tsk."
"Napaka-seloso mo. Manliligaw lang naman. Atsaka bata pa si Tita, maganda at may asim pa."
Sumimangot lang siya. Manliligaw man o ano ay wala siyang tiwala sa mga lalaking aali-aligid sa Mama niya.
"Baka ubuhin na naman 'yon sa usok," aniya.
"Bilisan mo kasing kumilos! Ang kupad-kupad mo."
"Heto na nga po," naiiling na sabi niya.
Dumiretso siya sa lababo at naghilamos. Bago sumunod sa pinsan ay tsinek niya muna ang cellphone kung may message roon. Marami. At marami ring missed calls. Halos lahat galing kay Cristina. Pero kahit isa ay wala mula sa taong gusto niyang mag-message sa kanya. Parang lalong bumigat ang pakiramdam niya. Daig pa niya ang magkaka-trangkaso.
Humabol siya sa mabilis na paglalakad ni Ria. Nang maabutan ito ay ikinawit niya ang braso sa leeg ng pinsan.
"Aray naman."
"Sorry," labas sa ilong na sabi niya.
"Ano ba ang problema mo? Dalawang araw ka ng parang sinisipong tandang."
Ginulo niya ang ibabaw ng buhok nito.
"Wala, may mens ako."
"Gago!"
Natawa siya.
"In-love ka, 'no?"
"Hindi, ah. Hindi ako tinatablan no'n."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...