Chapter Twenty One
"A WEDDING match?" mariing nagtiim ang mga labi ni Julianna pagkatapos iyong banggitin ng mga magulang ni Drigs habang kumakain sila. Mahigpit niyang nahawakan ang kubyertos at matalim na pinukol ng tingin ang lalaki.
Parang balewala lamang iyong nagkibit-balikat.
Nagpapasaklolong napatingin siya sa kanyang ina.
"Mom?"
"It was just an idea, sweetheart."
"Is this the surprise that you were telling me a while ago?"
"Can we talk about this later?"
Nahalata marahil ng ina na hindi maganda ang timpla niya.
"If you ask me, it's not a bad idea," ani Mrs. de Guia. "I asked Drigs here if he's okay with it and he said yes."
"Well, I'm not."
"Julianna," may piping pananaway sa tingin ng kanyang ama.
Naglapat ang mga labi ni Julianna sa nadamang pagrerebelde. Kahit itakwil pa siya ng kanyang mga magulang ay hinding-hindi siya magpapakasal kay Rodrigo de Guia! Nang mapasulyap siya kay Mrs. de Guia ay nakita niya ang tila nang-uuyam na ngiti sa isang sulok ng bibig nito.
"If you'll excuse me. I think I just lost my appetite."
"Julianna, come back here," ma-awtoridad na utos ni Diomedes sa anak.
Ngunit parang walang narinig na nagtuloy-tuloy lamang palabas ng dining room ang dalaga. She was fuming when she went outside their mansion.
"Ang kapal ng mukha! After what he did to me, he had the nerve to act as if nothing happened? Hah!"
Gigil siyang nagpalakad-lakad sa may gilid ng pool. Doon siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos niyang mag-walk out sa dining-room.
"You know what, if I were you sasanayin ko na ang sarili ko na maging isang future Mrs. de Guia."
Galit na napalingon si Julianna sa nagsalita. Halos magliyab ang mga mata ng dalaga nang pukulin ng masamang tingin si Drigs.
"You got some nerve. Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa mo."
"Don't be like that. As if you didn't enjoy every minute of it."
Mahigpit na kumuyom ang dalawang kamay ni Julianna. Paano nito nasabing na-enjoy niya ang nangyari sa kanila gayong ni isang ditalye ay wala siyang matandaan sa nangyari ng gabing iyon?
"Oh, my bad. You don't remember, right?"
Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila at ubod-lakas itong binigyan ng mag-asawang sampal. Napabiling ang mukha ni Drigs at kitang-kita niya nang bumakas ang kanyang palad sa maputi nitong balat. Nagtagis ang mga bagang nito. Pagkuwa'y isang ngisi ang sumilay sa mga labi nito, ngising puno ng pang-uuyam.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...