Saschia

20.8K 807 175
                                    

Chapter Thirty-Nine 

SIX years later...

"SASCHIA, please. Huwag ka ng mag-tantrums. Promise, bukas ay ipapasyal ka ni Mommy."

Nakalupasay sa sahig ang mahigit limang taong gulang na anak ni Julianna at panay ang hikbi na akala mo ay ito na ang pinakakawawang bata sa buong mundo. Nahagod niya ang buhok atsaka lumuhod sa tabi nito upang amuin ang anak dahil kanina pa sila tumatawag ng pansin ng mga mamimili. Nasa loob sila ng Clover Leaf Supermarket. After she graduated from college ay tumulong na siya sa mga magulang sa pagpapalakad ng kanilang negosyo.

Nahihiyang lumingon siya sa mga mamimili. Ganoon na lamang ang gulat niya nang mapansin ang isang pareha na nakatingin sa kanilang mag-ina. Sina Walter at Annika. Saglit siyang hindi nakakilos. Nang maalala niya ang kasalanang ginawa sa mga ito ay bigla siyang inatake ng guilt. Tingin niya ay parang lalong gumanda si Annika, ganoon din ang tingin niya kay Walter. He looks more handsome and manly. At mukha ring going strong ang relasyon ng mga ito.

Napahinga siya nang malalim at muling inamo ang anak. 

 "Come here."

"No! Let's go to the mall, Mommy, let's go to the mall."

"Okay, okay. Come na, we're already causing a scene. Mapapagalitan na naman tayo ni Grandpa."

"Papasyal na tayo?"

"Of course, sweetie."

Matapos ang mahaba-habang negotiation ay nagpabuhat na rin ito. 

God, she really took after me. Bratty.

Nakita niyang pumihit ng patalikod ang magnobyo. Dali-dali siyang humabol sa mga ito habang buhat ang anak.

"Walter, Annika."

Sabay na huminto ang pareha at lumingon sa kanya. 

"K-kumusta?" nahihiyang bati niya sa mga ito.

Hindi nalingid sa kanya ang mahigpit na paghawak ni Annika sa kamay ng nobyo. Napangiti siya at apologetic na tumingin sa mga ito.

"Alam kong huli na, pero g-gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko noon sa inyong dalawa. Wala akong excuse malibang naiinggit ako sa'yo, Annika. I'm sorry. Sa'yo rin, Walter. Napakalaki ng kasalanan ko. Pati friendship niyo ni S-Sachi ay nadamay."

Parang nagulat ang mga ito sa sinabi niya at hindi kaagad nakapag-react.

"S-sige. It's nice to know that your love for each other stayed strong. I wish you both happiness." Iyon lang at tumalikod na siya dahil nangungulit na naman si Saschia.

"Julianna."

Napahinto siya nang tawagin ng magkasintahan. Nilingon niya ang mga ito.

"You're forgiven," nakangiting sabi ni Annika.

Napangiti siya kasabay ang pangingilid ng mga luha. 

"Thank you," tila isang napakabigat na pasanin ang biglang nawala sa kanyang dibdib. 

Magaan ang pakiramdam na nagtungo siya sa opisina ng manager para kunin ang naiwan niyang gamit. Tapos na niyang pag-aralan ang sales sa branch nila roon kaya tapos na rin ang trabaho niya para sa araw na iyon. 

"Let's go, Mommy, let's go."

Kahit pagod na at gusto na lamang magpahinga ay walang nagawa si Julianna. Hindi niya naman talaga madalas na isinasama sa trabaho ang anak. Naglambing lang ito kaya isinama niya na. Madalas nga siyang paalalahanan ni Yaya Magenta na hinay-hinay lang daw sa pagbibigay sa lahat ng gusto ng anak at baka ma-spoiled ito nang husto. Pero ano ang magagawa niya, kapag tumutulo na ang luha ni Saschia ay wala na siyang magawa.  Isa pa, hindi lang naman siya ang nang-i-spoil dito. Nangunguna siyempre ang kanyang ina. Her father is a different matter, though. Hindi na katulad ng dati ang relasyon nilang mag-ama. Tila nagkaroon na ng invisible wall sa pagitan nila.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon