Love Words

29K 964 107
                                    

Chapter Fifty-Three

MASAYANG naghihintay sa pag-uwi ni Saschia mula sa pagamutan ang magkabilang pares ng lolo at lola nito. Maraming dalang pagkain ang mga ito at nagmistulang isang maliit na family affair ang sandaling iyon. At kahit maliit lamang ang unit na tinitirhan nila gaya ng sabi ni Saschia, na-accommodate naman niyon ang apat na bisita kasama sina Yaya Magenta at dalawang kasambahay na nag-iintindi sa pagkain nila. Natutuwa si Julianna dahil mukhang walang tensyon sa pagitan ng mga magulang niya at mga magulang ni Sachi. Sa katunayan ay parang hindi iyon ang unang paghaharap ng mga ito. Na kinumpirma ng kanyang ina.

"We already discussed about you and Sachi," tila naninimbang na simula ng kanyang ina.

Siya ang kaharap ng mga magulang niya at parents ng nobyo. Si Sachi kasi ay kaagad na hinila ng anak patungo sa silid nito para maipakita iyon sa ama. At kahit iyon pa lamang ang una nilang paghaharap nang pormal ng Papa ni Sachi, ay palagay kaagad ang loob niya. Hindi ito intimidating na gaya ng nai-imagine niya nang hindi pa sila nagkakaharap nang personal. Sa Mama naman ni Sachi, noon pa man ay alam na niyang mabait ito. At kung noo'y maganda ito sa paningin niya, tila lalo itong gumanda at bumata ngayon. Blloming, wika nga.

"You discussed about what?" tanong niya sa ina.

"Parang pamanhikan," tugon ni Tita Nathalia. "Ayaw ko sanang isipin niyo na pinangungunahan na namin kayong magdesisyon sa bagay na ito. Pero kasi lumalaki na ang apo namin. At sa nakikita naman naming lahat, walang nagbago sa damdamin niyo ni Sachi para sa isa't isa. Sa katunayan ay mukhang mas tumibay pa nga. Kaya naman kami na ang gumawa ng unang hakbang para kausapin ang parents mo. Hiningi na namin ang kamay mo sa kanila on behalf of our son."

Gusto niyang matawa sa narinig. Habang nagpa-plano pala sila ni Sachi na magpakasal sa huwes ay nag-uusap na rin ang mga magulang nila tungkol sa kanilang dalawa.

"Kung kami ang tatanungin, payag na payag kaming maikasal kayo kaagad," wika ng kanyang ina. "Pero siyempre'y nasa iyo ang desisyon, anak."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Julianna sa kanyang mga magulang.

"The truth is, plano na po naming magpakasal sa huwes."

"Are you kidding me?!"

Muntik ng mapapitlag ang mga kababaihan sa pag-aalsa-boses ni Diomedes.

At halos inaasahan na rin ni Julianna ang magiging reaksyon ng kanyang ama.

"Dad..."

"Gusto ko lang hong maging legal ang pagsasama namin ni Julianna bago kami tumira sa ilalim ng isang bubong," sagot ni Sachi mula sa likuran niya. Buhat nito sa isang braso si Saschia na mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama.

Nakangiting nilingon niya ito nang banayad na pisilin ang balikat niya na parang binibigyan siya ng assurance. 

"Pero hindi ho ibig sabihin no'n ay wala akong planong bigyan ng en grandeng kasal si Julianna. Mahal na mahal ko po ang inyong anak at kahit saang simbahan ay nakahanda akong pakasalan siya."

"And I'm willing to support my son every step of the way. Walang kaso kahit saan niyo pa gustong ipakasal ang mga bata," pag-segunda ng ama ni Sachi.

"Mabuti na 'yong nagkakaliwanagan tayo. Our daughter is very special to us," ani Diomedes na tila unti-unti ng kumalma pagkatapos ng sinabi ni Sachi.

"Naiintindihan ko po. Dahil ganoon din naman siya sa akin," tugon ng kanyang nobyo. "Gusto ko lang ho sana na habang inihahanda ang kasal namin ay makasama ko ang aking mag-ina. At para maiwasan ang anumang mga usap-usapan, magpapakasal na kami sa huwes."

Nilingon ni Diomedes ang asawa.

"Payag ako. Isa pa ay mas maganda nga 'yon para maisaayos na rin ang legitimacy ni Saschia," sabi ni Evita.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon