Lotto

19.5K 742 46
                                    

Chapter Twenty Three

"TAHAN na," pinahid ni Sachi ang luha ng nobya.

"G-galit ka pa," humihikbing sabi nito.

"Hindi ako galit. Kahit kailan ay hindi ko kayang magalit sa'yo. Magtampo siguro, oo. Konti. Pero hindi ko magagawang magtanim ng galit."

Lalong napaiyak si Julianna.

"Huwag ka ng umiyak. Mag-review ka na. Di ba may quiz kayo bukas?"

"Nagtatampo ka pa, eh."

Yumuko si Sachi at dinampian ng halik sa noo ang nobya.

"Hindi na. Sige na, tatapusin ko lang 'tong paglilinis dito. Magre-review rin ako."

"O-okay."

"Huwag ka ng umiyak. Baka maging iyakin din si Baby Saschia."

"D-dapat sabay na tayong mag-review."

"Oo nga. I-ready mo na ang mga notes mo, susunod na ako. Sige na, para makatapos na rin ako rito."

Humihikbi pa ito nang tumalikod.

Mahigpit na napakuyom ang dalawang kamao ni Sachi. He grabbed the nearest chair and sat down. Napahinga siya nang malalim. Natiinan niya ang magkabilang sulok ng mga mata nang mag-init iyon.

"Putsa...!" Naiintindihan naman niya kung bakit may apprehensions ang nobya na ipakilala siya sa mga magulang nito.

Unang-una, isa siyang bastardo. Wala siyang kinagisnang kumpletong pamilya. Nabuntis ng lalaking may-asawa ang kanyang ina. Nang matuklasan ng mga magulang nito ang pagbubuntis ng kanyang ina ay itinakwil itong parang hindi miyembro ng pamilya. Ilang ulit na tinangkang muling bumalik ng Mama niya sa mga ito, pero lagi na ay ipinagtatabuyan ito na masahol pa sa isang pulubi.

Minsan ay naikuwento sa kanya ng pinsang si Rialyn kung gaano kalaki ang hinanakit ng kanyang ina sa pamilya nito. Kino-kumbolsyon daw siya noon sa taas ng lagnat. Lumapit ito sa pamilya nito para humingi ng kaunting tulong. Pero sa halip na tulong ay pang-aalipusta ang natanggap ng kanyang ina. Nakatawid ang buhay niya mula sa peligro dahil sa tulong ng ibang tao. Kaya naman magmula noon ay ipinangako ng kanyang ina na tuluyan ng putulin ang anumang kaugnayan nito sa sariling pamilya.

Wala siyang maipagmamalaking family background. Ang kanyang ina ay high school lang ang tinapos dahil na rin sa maagang pagbubuntis. Samantalang ang kanyang ama naman ay wala siya ni katiting na ideya kung ano ang hitsura. Malibang para sa kanya ay ito na ang pinakawalang-kuwentang tao na nabuhay sa mundo. Binuntis lang nito ang nanay niya. Pagkatapos ay itinapong parang basahan at hindi na muling nagpakita pa. 

If his family background is not enough to put anyone off, how much more if they learned about his sordid past? Sinong magulang ang gugustuhing maging nobyo ng kanilang anak ang isang male prostitute? Anuman ang dahilan kung bakit siya napasok sa trabahong 'yon ay alam niyang hindi maiintindihan ng ibang tao. Dahil ang nakikita lamang ng mga ito ay ang masamang batik kapag sinabing isa kang prostitute.

Napahinga siya ng malalim nang tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha. Natitiyak niyang kung makikilala siya ng mga magulang ni Julianna at malaman ang tungkol sa totoo niyang pagkatao ay iisipin ng mga ito na isa siyang oportunista. Na ang tingin niya sa anak ng mga ito ay isang winning ticket sa lotto.

Ilang malalalim na paghinga ang pinawalan niya hanggang sa magluwag ang kanyang dibdib.

Simula pa lang ito, ani Sachi sa sarili. Tip of the iceberg, wika nga. Hindi pa nagsisimula ang totoong laban. Kaya ko 'to, kaya mo, Sachi Andrada.

 Kaya ko 'to, kaya mo, Sachi Andrada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon