Chapter Forty-Four
"FUCK paano ba aayusin ang tie na 'to?"
Natatawang bumangon si Rupert mula sa kanina pang panonood sa kapatid habang naghahanda ito sa date nito kay Julianna. Maaga pa ay alumpihit na ito at tila hindi mapakali. Gusto pa nga sana nitong magpagupit pero sabi niya ay ayos naman na ang buhok nito.
"Bakit ba kasi kailangang pormal pa?" reklamo nito.
"Women digs fancy stuff. And besides, you want to impress her, right? Alangan namang sa unang date niyo yayain mo lang siyang kumain ng siomai."
"Why not? Masarap naman ang siomai."
"Psh," naiiling na inayos ni Rupert ang tie nito. "Heredera 'yon, pakakainin mo lang ng siomai."
"Bakit? Basta ba heredera hindi na kumakain ng siomai?"
"First impression last, little bro. So, make a good impression, okay? Para kung yayain mo man siyang maka-date ulit, hindi ka niya tatanggihan."
"What did you tell her para makumbinsi mo siyang makipag-date sa akin?"
"I asked a common friend."
"Who?"
"Elizabeth."
Natigilan ito.
"Akala ko ba makikipagkalas ka na sa kanya?"
"So? Hindi ba kami puwedeng maging magkaibigan?"
"Tss. Namamangka ka sa dalawang ilog. Once and for all, linawin mo na kung sino ba talaga ang gusto mo."
"Ano ba ang sinasabi mo? Nagseselos ka ba? Huwag kang mag-alala, ikaw pa rin naman ang little brother ko," nagbibirong saad ni Rupert.
"Tumigil ka nga. Akala mo ba hindi ko alam na may nangyayari sa inyo ni Rialyn? Kaya siguro lumayo na lang 'yong tao kasi nalilito siya sa estado ng relasyon niyo."
"May sinabi ba siya sa'yo?"
"Wala. Memory lang ang nawala sa akin, pero may pakiramdam pa rin ako. At may mata," binigyang-diin pa nito ang salitang mata.
Pumalatak na lang siya at hindi na nagsalita. Kung meron mang dapat makarinig ng paliwanag niya iyon ay si Rialyn.
"You're all set. Kailangan mo ba ng chaperon?" biro niya.
Napansin niya ang ilang beses nitong paglunok at ilang ulit na pagsipat sa repleksyon sa kaharap na salamin.
"Ayos lang ba ang porma ko?"
"Oo naman. Puwedeng-puwede ka ngang mag-model, eh, kung pumayag ka lang sa offer no'ng agent na nakilala natin sa Minnesota."
Hindi nalingid sa kanya ang pasimple nitong paghugot ng hininga na tila nininerbiyos. Kung hindi niya ito nakilala bago ang aksidente, iisipin niyang iyon pa lamang ang unang beses nitong haharap sa isang babae.
"I'm going," anito at tinungo na ang pinto
"You have a reservation in Grand Dame," tukoy niya sa isang bahagi ng Nuvou Hotel na paboritong venue para sa mga elegant and formal gathering. Karamihan ng mga espesyal na okasyon tulad ng wedding anniversary or wedding proposal ay doon ginaganap.
Tumango lamang si Sachi. Sinabayan na ito ni Rupert. Ang Papa nila at si Tita Nathalia ay nasa sala at umiinom ng tsaa habang nanonood ng tv. Alam ng mga ito ang lakad ni Sachi dahil sinabi niya, ngunit patay-malisya at kaswal lamang ang mag-asawa. They were both happy but nervous at the same time. Ano ang mangyayari sa kauna-unahang paghaharap ng magkasintahan? Nag-aalala rin siya ngunit may inilagay na siyang tao sa hotel para anuman ang mangyari ay nakahanda sila.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
Любовные романыIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...