happiest birthday sa'yo, Ms. Che. good luck sa marami pang SOCO assignments. mwah, mwah!
.
Chapter Eight
"POGI ka na, pinsan. Kaya puwede ba, tantanan mo na 'yang salamin at baka mabasag na 'yan. Layas na," halos ipagtulakan na si Sachi ng pinsang si Ria palabas ng bahay.
Maagang-maaga pa kasi ay gising na ang binata para maghanda sa pagpunta sa apartment ni Julianna. Naiinis si Ria dahil naistorbo ang mahimbing na pagkakatulog nito dahil kung anu-ano ang hinahanap ng pinsan. Magmula sa shampoo, sabon at suklay.
"Grabeh, daig pa ang nagbibinata," naiiling na wika nito.
"Huu, ito naman," pabirong ginulo ni Sachi ang dati ng magulong buhok ni Ria. "Hayaan mo, kapag ikaw naman ang nagbinata susuportahan kita."
"Heh! Lumayas ka na at baka magising pa si Tita sa ingay mo."
"Ikaw nga 'tong kanina pa nakaangil, eh. Daig mo pa ang bagong panganak na doberman."
"Tao po. Sachi, gising ka na ba?"
Ang balak na pagsagot ni Ria sa sinabi niya ay na-freeze nang marinig nila ang pagpapatao-po mula sa labas ng bahay.
"Pakibuksan mo nga ang pinto. Magto-toothbrush lang ako."
Padabog na tumayo si Ria mula sa gula-gulanit na sofa na siyang nagsisilbing higaan nito. Tantiya ng magpinsan ay kasing-edad na nila iyon sa sobrang kalumaan. Masinop lang sa gamit si Aling Nathalia na Mama ni Sachi kaya nadugtungan pa ang buhay ng sofa sa tagpi at sulsi.
"Ahm, good morning. Naririyan ba si Sachi?"
Si Sachi na nasa lababo at nagsesepilyo ay nakatutok ang pandinig sa dalawang nag-uusap sa may pinto. Hindi muna siya nagsalita at hinintay kung ano ang isasagot dito ng kanyang pinsan.
"S-sino ka?"
Lihim na napangiti ang binata nang marinig ang pagkautal ni Ria.
"Uh, Rupert. Kaibigan ako ni Sachi. Nakaalis na ba siya?"
Nagmumog na siya. Hula niya ay malapit ng mag-hyperventilate ang pinsan sa lalaking kaharap nito.
"H-hindi pa. T-tuloy ka."
Nang lingunin ni Sachi ang dalawa na nasa may pinto ay nakita niyang parang alumpihit ang pinsan. Hindi malaman kung hahatakin pababa ang suot na manipis na kamiseta o itataas. Maiksing maong shorts kasi ang suot nito. Luma na at halos gapok na ang tela sa dami ng tastas. Ang kamiseta naman nito ay manipis at mababa ang neckline.
"P're, pasok ka muna," aniya habang pinupunasan ng bimpo ang bibig.
"Matagal ka pa ba? Dito na lang ako sa labas."
"Sige, susunod na ako."
Iyon lang at hindi na nga tumuloy si Rupert. Matapos kunin ang kanyang jacket at pitaka ay sumunod na rin siya rito. Pagdaan sa tapat ng pinsan na parang natitigilan ay nanunuksong binulungan niya ito.
"Anong sabi ko sa'yo? Kapag nakita mo si Rupert bigla kang magiging babae."
Napauklo siya nang bigla siya nitong sikmuraan sabay tulak sa kanya palabas ng bahay.
"Layas!"
Nahagod niya ang tiyan. Buti na lang at lakas-babae lang ang puwersa ni Ria, kung nagkataong lalaki ito ay baka bumagsak siya.
Pamatay talaga ang jab ng babaing 'yon.
"'Yon ba 'yong sinasabi mong pinsan?" ani Rupert nang abutan siya ng helmet.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...