Chapter Twenty-Six
"SIR, may nagpadala ho nito para sa inyo."
Natigilan si Julianna nang makita ang bagay na ibinigay ng kasambahay sa kanyang ama habang sila'y nag-aagahang mag-anak. Iyon ang report ng taong inirekomenda sa kanya ni Max.
Paanong...? napaawang ang bibig niya nang maalalang naiwan niya iyon sa bar nang bigla na lang siyang mag-walk out ng nakaraang gabi.
Kung ganoon ay paano iyong nakarating sa kanila?
"Julianna?"
"Y-yes, Mommy?"
"Napansin ko, anak, na parang bumibilog ka yata."
"Mom?"
Napapalatak si Diomedes. "Ano ka ba naman, Evita, mas gusto ko nga na medyo may laman-laman ang batang 'yan kaysa iyong katulad ng mga kabataan ngayon na halos buto't balat na sa kapayatan."
Napayuko si Julianna sa kanyang kinakain. Palihim din niyang nahipo ang kanyang tiyan. Halata na kaya ang umbok?
Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang ipinagbubuntis niya. Sana lang bago pa maghinala ang mga magulang niya ay magkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob para masabi sa mga ito ang totoo.
"Don't mind your mother, just eat," 'ika ni Diomedes. "I missed your chubby cheeks when you were just this small."
Iminuwestra ng ama ang isang kamay sa taas ng kinakainan nilang mesa. Napangiti si Julianna sa sumaging alaala ng kamusmusan niya. Palibhasa'y solong anak siya spoiled siya sa kanyang ama. Lahat ng hilingin niya rito ay ibinigay nito. Kaya natitiyak niyang napakalaking disappointment ang mangyayari sa sandaling matuklasan nito ang lihim niya.
Halos hindi niya malasahan ang pagkain. Si Diomedes ay binuksan ang laman ng natanggap na dokumento.
"Sweetheart, we're eating. Puwede bang mamaya na 'yan. Minsan na nga lang tayong magkasama-sama, eh," saway ni Evita sa asawa.
"Mukhang importante, eh. Sisilipin ko lang."
Napailing na lang si Evita.
Nakangiti pa si Diomedes nang ilabas ang laman ng envelope. Ngiting unti-unting napalis nang mapahapyawan nito ng basa ang report.
"What's wrong? Is it bad?"
"Bad," muli nitong isinilid sa envelope ang mga papel. Hindi na rin nito dinugtungan pa ang sinabi saka tila wala sa sariling dinampot ang tasa ng kape na parang kaylalim ng iniisip.
Pagkuwa'y napasulyap ito kay Julianna.
"I'm glad I made the right decision."
"Care to tell me what's going on, sweetheart?" ani Evita.
"This is a detailed report about the de Guia's ranch. It's very unfortunate but looks like their ranch is on the verge of bankruptcy."
"Oh. Pina-imbestigahan mo sila?"
"Nope. Someone else did."
"Who?"
"Beats me."
"Baka naman paninira lamang 'yan?"
Ikinibit lamang ni Diomedes ang mga balikat.
"Totoo man o hindi, buo na ang loob ko na huwag ipagkasundo si Julianna sa kanilang anak. Tungkol naman sa business proposal ng mga de Guia, may tiwala ako sa aking mga tauhan na walang mangyayaring anomalya. Ang anumang ikasisira ng Clover leaf ay pananagutan ng lahat. At alam nila 'yan mula sa pinakamababang empleyado hanggang sa top executives."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
Любовные романыIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...