XII: CHAPTER 11

97 6 2
                                    

CHAPTER 11

Himalang gumaan ang pakiramdam ni Elyse. Natigil na rin siya sa kanyang pag-iyak. Tumayo na si Jeremiah sa kanyang harapan at inilahad ang kamay nito sa kanya.

Tiningnan niya muna 'yon ng ilang sandali bago tinanggap at tinulungan naman siya nitong tumayo.

"Babalik tayo ngayon do'n at tatapusin natin 'to. Tiwala lang sa akin, sa sarili mo na... makakaya mo 'to. Ikaw pa, ang galing-galing mo kaya." Ngumiti ito sa kanya at tango lang ang naisagot niya.

Sabay naman silang napalingon na dalawa nang tumatakbong dumating si Manuel.

"Anak! Ayos ka lang?" Nag-aalala itong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang mukha.

"I'm okay, dad." Hinawakan din niya ang kamay ng kanyang ama na nakahawak sa kanyang mukha at ibinaba 'yon.

"Don't worry, I can do this." Lumingon siya kay Jeremiah. "We can do this."

Napangiti rin ito at saka sila nagkatinginang tatlo. Aalis na sana sila nang pigilan siya ng kanyang ama sa kanyang braso kaya napalingon siya rito. Nauna na doon si Jeremiah.

"Sigurado ka ba? Pwede namang... 'wag mo na lang ituloy anak. Ayaw kong napapahamak ka," nag-aalalang sabi nito.

"Dad, I'm doing this for you... a-and mom. I don't want to disappoint you guys." Malamya siyang ngumiti kay Manuel. "Isa pa," tumingin siya sa gawi ni Jeremiah na naroroon na sa dulo ng hagdan paakyat sa stage at hinihintay siya, "kasama ko si Jeremiah."

Napatingin din ang ama niya sa binata at ngayon ay nakangiti nang ibinalik ang tingin sa kanya. "I love you, anak."

Mabilis niyang niyakap ang kanyang ama. "Me too, dad."

"Sige na, bilisan niyo na! Galingan mo ha? Manonood ako sa baba!"

Tumakbo na si Elyse palapit kay Jeremiah at sabay na naman silang umakyat. Biglang natahimik ang mga tao nang makitang bumalik sila ulit doon. Napatingin ulit si Elyse sa dami ng mga tao. Nakita niya na ring bumalik na doon ang kanyang ama sa kung saan ito nakapwesto kanina.

Pumikit siya ng kanyang mga mata at huminga nang malalim. Tumingin siya kay Jeremiah at nginitian siya nito. Sumenyas na ito at nagbilang para sila ay magsimula na. Ngayon naman ay sabay na silang tumutugtog na pinangunahan din ng binata sa pagkanta.

💿 how deep is your love 🎵

🎶 "I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain
And the moment that you wander far from me
I wanna feel you in my arms again" 🎶

Nakangiti lang si Jeremiah habang kumakanta at napapapikit pa na para bang dinadama pa ito. Hindi tuloy maiwasan ni Elyse na mapatulala sa kanya. Nagsimula na ring umingay ang mga tao lalo na ang mga kababaihan na nagchecheer para sa binata.

🎶 "And you come to me on a summer breeze
Keep me warm in your love and then softly leave
And it's me you need to show" 🎶

Nahuli siya ni Jeremiah na nakatitig siya rito nang mapadilat na ito. Ngumiti ito sa kanya at sinenyasan siyang oras niya na para kumanta. Bahagya siyang tumango at humugot muna nang malalim na hininga bago nagsimulang kumanta.

🎶 "How deep is your love, is your love
How deep is your love
I really need to learn
'Cause we're living in a world of fools
Breaking us down
They should all just let us be
We belong to you and me" 🎶

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon